Scribbled Me 09

‘Yun naman talaga ang mas importante, yung KUNG ANO KA TALAGA bago ka pumikit, bago ka matulog, bago mo tapusin ang araw mo.

Bilang babae, isa sa pinakamasarap na pakiramdam ang pagkalas ng bra pag-uwi ng bahay.

Bra para hindi magmukang sag yang mga suso.

Bilang tao, wala nang mas sasarap pa sa pagtanggal ng maskarang buong araw mo suot.

Maskarang nagpapasaya ng ibang tao.

An Open Letter – 12/27 – Tito Sotto

Dear Tito Sotto,

I am keeping this short and sweet. At medyo ililihis ko din po sa current issue ang letter ko sa inyo. Hindi ito (deretsong) pagsagot sa binitiwan niyong statements patungkol sa nakaraang MMFF.

Gusto ko po kayong kausapin bilang isang kompositor, tinitingnan ko po kayo ngayon bilang isang “ARTIST”.

Tito Sen, fan po ako ng isa sa isinulat niyo pong kanta. Yung kanta pong IKAW ANG AKING MAHAL yung title.

Gustong-gusto ko po yung mga linyang..

Itanong mo sa akin

Kung sino ang aking mahal?

Itanong mo sa akin

Sagot ko’y di magtatagal

Words Of Affirmation po siguro ang love language niyo po ano? Ipinapakita niyo po ang pagmamahal niyo sa pagsasabi ng “Mahal Kita”.

Wala po sigurong kasing saya ang taong pinag-alayan ninyo ng kantang yan. Nakakakilig. Punong-puno po ng pagmamahal.

Ang dami niyo po sigurong pagmamahal sa puso at sa sobrang dami po inilabas niyo po siya sa pamamagitan ng paggawa ng kanta.

PAG-IBIG -> KANTA -> OBRA -> SINING

Para po kasi sa akin, ang kahit anong likha na galing sa puso ay matatawag na ARTWORK. Ang gumagawa po ng artwork ay tinatawag na ARTIST.

At para sa akin, dahil gustong-gusto ko yung kantang isunulat niyo, isa po kayong magaling na artist!

Tito Sen, matagal na po kayong artist. Matagal na po kayong sumusulat ng kanta at kumakanta. Marami na din po siguro kayong napagdaanang struggle as a singer / composer. Isa na po siguro yung hindi pag appreciate ng tao sa ginagawa niyo. Alam ko at one point or another naramdaman niyo po yun.

Sir, sa panahon ko po ngayon, marami po sa amin ang nag-aalab ang mga puso. Ganyan daw po kasi ang mga “millennial”. Marami rin po sa amin ang nagaantay na mapansin. Marami po sa amin ang nasasaktan kapag hindi kami napapahalagahan lalo na po kung galing sa kaibuturan ng puso ang aming obra.

Marami po sa amin ang gustong lumaya.

At sana po matulungan niyo kami bilang kayo naman po ay ARTIST din.

Kayo rin po pala yung nagsulat ng “Magkaisa” noong EDSA Revolution noong 1986. Ang ganda po nun. Maraming salamat po sa kantang yun. Sana po kaya niyo pa siyang kantahin ngayon nang buong puso.

Nagmamahal,
DAWN

An Open Letter – 11/27 – Sa Mga Nagtatanong Kung Kailan Ako Mag-aasawa

2 years ago nakatakas ako sa mahiwagang Q and A portion na ito. Kinansel ko kasi lahat ng family reunion. Tinuhog ko na nga pati reunions ng 2016 para naman consistent. Oh eh kasi nga consistent parin yung sagot ko, teh!

Tapos ngayon? Nananahimik ako dito habang naka one week na leave pero ayan ka. Ayan ka na naman dropping the magical question. Huhu naman teh!

Hindi lang ikaw. Marami kayo. Habang naiipon yang mga tanong tungkol sa pagse-settle down settle down ko, naiipon din yung mga snarky na sagot. (Siyempre, bilang tinuruan naman akong sumagot nang maayos ng mga magulang ko, hanggang sa isip ko lang ito. Well, ngayon pala posted na siya sa blog na ‘to.)

You: Kailan ka mag-aasawa?
Me: Kapag nawalan na po ng dila ang mga tsismosa.

You: Kailan ka mag-aasawa?
Me: Next level agad yung question, mamshie? Bawal mag boyfriend? Derecho agad?

You: Kailan ka mag-aasawa?
Me: Iniintay ko lang maging pari yung kapatid ko. Tanong mo nga kung magpapari pa siya.

You: Kailan ka mag-aasawa?
Me: Hindi na siguro. Kakakasal lang kasi niya. 😦

You: Kailan ka mag-aasawa?
Me: Kapag straight na silang lahat! Pucha kasi! Patagay nga!

You: Kailan ka mag-aasawa?
Me: Kapag sure na ako kung anong gusto ko, kung lalaki ba o babae o yung bike ko yung pakakasalan ko.

You: Kailan ka mag-aasawa?
Me: Hindi pa kasi kasya yung wedding gown ko.

Pero sa lahat ng ‘yan parang yung huli yung ayaw kong isagot. May follow up quesh ka pa kasi diyan teh! Alam ko na sasabihin mo, “Eh kelan mo ba sisimulan ang pagdidieta?” O diba tama ako?

O seryoso na nga bes.

Alam mo kasi, ako bilang hopeless romantic, napaka sagrado ng pananaw ko pag dating sa marriage at napaka hiwaga ng tingin ko sa pag-ibig.

Para sa akin, nagmamahal ang isang tao hindi dahil naghahanap siya nang pupuno sa kalahati ng puso niya. Kasi sa love dapat walang kulang, dapat buong-buo siya -bilang siya lang. Buong-buo rin dapat yung kapareha. Sa sobrang buo nila para narin silang punong-puno. Umaapaw. Yung umaapaw na pagmamahal nila ang ibabahagi nila sa Diyos pati sa mga magiging anak nila.

Para kasi sa akin, more than pag hingi ng basbas, ang pagharap sa altar ay pagpapasalamat. Ang asawa kasi,regalo yan ng nasa Itaas. 

Eh siguro ito na ang pinaka seryosong sagot sa tanong ninyong lahat, mga Titas of the Philippines.

Hindi pa ako nag-aasawa kasi…

HINDI PA AKO BUO.
(Huwag mo idamay yung paminta, beh. Inaano ka ba ng Adobo?)

Nitong nakaraan, a great love story has unfolded right before my eyes. (Tama ba yung english ko beks?)

Kasi nga kinasal yung crush ko. 🙂 Crush ko siya kasi kahanga-hanga yung pagmamahal niya para sa craft niya, sa music, sa art!

Crush ko din yung wedding nila! Te, yung kumanta lang naman during the ceremony was the best choral group in the world, the universe rather, ang Philippine Madrigal Singers. Samahan mo pa ng napaka solemn na ambiance ng simbahan sa tuktok ng Antipolo City. Tapos ang ganda nung moment na naglalakad si Bride papunta kay Groom. Kumanta si Groom, beh! Originally made just for that moment!

Crush ko din yung relationship nila. They’ve been together for 10 long years. Nakakaelibs yun huy!

Nakatitig ako sa kanila the whole time. Sabi ko sa isip ko, “They are really soulmates. They are destined to be together. The stars have aligned.” Muntik na nga ako umuwi eh kasi nga may nanalo na. Anubayansiya.

Ganung relationship yung tipo ko. Yung tangina paksyet hindi ko alam kung bakit mahal kita pero mahal kita.

Mararamdaman ko naman yun eh. Mararamdaman namin.

Ngayon siguro nagpupuno pa kami ng kanya-kanyang tangke. Kulang pa kasi. Keri lang naman. Hindi naman kami paluwas.

Mararamdaman din namin kung okay na lahat.

Papakiramdaman din namin kung iimbitahin ka namin sa kasal.

Kaya mamshiebells, relax ka lang ha…kasi ako relax lang.

An Open Letter – 10/27 – The Boy Who Made Me Smile

Huy!
Kaninang umaga pa kita tinitingnan
Ikaw ba talaga ‘yan?
Pumikit ako nang saglit
Unti-unti kong inilapit
aking paningin
Oo nga
Ikaw nga
Akala ko ako lang ay
namamalikmata.

Tumuntong ka sa entablado
Tahimik akong nakaupo
Dinuduyan ako
Ng bawat kanta mo
Hindi ko kinailangan ang mata o tainga ko
Pinakikinggan ka nitong puso.

Malapit nang mag dilim
Palapit ka rin,
sa akin
Nagsimula tayong gumamit ng
“Hi”
“Hello”
Napangiti ako
Tayo
Nakakatawa
Kilig ba ang tawag dito?
Daig pa natin ang mga chinito

Ano bang ibig sabihin niyan?
Yang mga bitwin na magkakahanay sa itaas?
Eh eto?
Itong mga kamay mong komportableng
nakakapit sa mga kamay ko?
Ang saya sa pakiramdam, ano?
Sana nga’y hindi na matapos.
Ang panaginip, may bangungot
Kaya mangarap tayo.

Lumalalim na ang gabi.
“Hindi ka naman tulog diba?
Nakapi-.”
——————
Ano yun?
Anong ginawa mo?
Hindi mo ako pinatapos sa sasabihin ko.
Pero okay lang
Pipikit ulit ako!
Pumikit ulit tayo!
Wala pa namang liwanag, oh!

🙂