How it feels to be an assumera?

20140326-220159.jpg

Let’s define it first. In english, a person who ASSUMES thinks that something is true or probably true without knowing that it is true. So in filipino, ang ASSUMERA ay mahilig gumawa ng sarili niyang kuro-kuro at konklusyon. Konklusyon kahit hindi niya naman alam kung totoo. Kamag anak din ng assumera ang ilusyunada at feelingera.

Tingnan natin kung sino ba talaga si assumera sa konsepto ng pag-ibig.

Continue reading “How it feels to be an assumera?”

Advertisements

Dan Alexander the Great

Paboritong kapatid ko DAW siya. Yun ang sabi niya. Eh ang feeling naman!!! Honestly, I can see Alexis in me (Sabay nating sabihing..Kawawang bata). Mahilig kasi siyang mag-isip ng mga bagay na hindi naman naiisip ng mga normal niyang kalaro. He’s a dreamer, go-getter and goal oriented. 

Hindi ko siya paborito, nagkakasundo lang siguro talaga kami sa ilang mga bagay tulad ng pagbabasa, pagsagot sa logo quiz, pag-iimagine, pagba-bike, pag-aayos ng kwarto, pag-kukulay sa coloring book, pagbababad sa Myx Channel, paghahalungkat ng recyclable na mga gamit sa drawer, paggupit-gupit at higit sa lahat ang KUMAIN!!

Recently, isang bagay ang nadiscover namin na nag-eenjoy kaming gawin…ANG MAG-SULAT. Madrama rin pala siya. Sabi ko sa’yo I can see myself in him eh! Eto na nga, ang tulang ito ay sinulat niya para ata sa isang activity nila sa school. (Sorry sa paggamit niya ng ‘y’ sa pangalan niya. Idol niya ata si Rizal)

SALAMAT

by: Dan Alexander Abas y Estonilo

Kahit ako ay makulit
Ang konting Barya Kinukupit
Dahil sa kakulita’y nagkakasakit
Ang love parin ang nagpapalapit.

Salamat dahil ako’y inaruga
Mula sanggol hanggang pagkabata
Binabantayan kahit napupuyat
Kaya kami sa inyo nagpapasalamat.

Pasensya po sa aming maling ginawa
Kayo’y ginagaya, dahil kayo’y magandang halimbawa
Pagmagkasama ramdam saya’t tuwa
Ang pagmamahalan di nagsasawa.

Binibigay nyo ang lahat sa amin
Kayo ang nagpapaaralat nagpapakain
Kami’y taos pusong nagpapasalamat
Sa nagawang kabutihan, pag aaruga at lahat lahat.

 

Sa Saturday, ggraduate na siya ng Grade 6. I was in grade 6 noong nalaman kong gusto kong magsulat. Well, ngayon lang na mag-25 na ako when I made my own wordpress account. Huwag sana niyang sayangin ang chance na mailabas ang lahat ng hinanaing, kajologsan, kaepalan at katakawan sa buhay sa pamamagitan ng pagsusulat.

I want him to be a writer. I want him to be an artist. I want him to be a scientist. I want him to be the next President of the Philippines. Pwede naman ako mangarap para sakanya diba? Hindi naman ako malulungkot o magagalit kung magtayo siya ng sarili niyang parlor kapag 25 na siya.

He can be whatever he wants to be. Sana lang HE WILL BE THE GREATEST PERSON GOD ALWAYS WANTED HIM TO BE.

Ikaw ang humusga, paborito ko ba siya? 

 

ImageImage Image

EDSA DOS

“Ano yung status mo sa facebook? Yung sa EDSA kieme kieme?”

-Tinanong mo iyan saakin kanina. Nahiya naman ako sa paggamit mo ng kieme.

But seriously, kinabahan ako diyan sa tanong mo. In a split second, ang daming pumasok sa isip ko:

1. Shet!
2. Potah! (puro mura pala)
3. Alam mong ikaw yun? OMG!
4. Ikaw po kaya yun!
5. Nakita mo rin ako nung umagang yun?
6. Biglaang pumasok din sa isip ko ang future natin. (Tayo. Sweet. Walang iwanan. Forever.)
7. Kroo kroo kroo
8. Wala lang yun.

Pero ang tanging lumabas lang sa bibig ko ay “Wala lang yun!”

Ang ngiti ko, mula North hanggang Taft isabay mo narin pala ang awkwardness. Ang bipolar ko nung moment na yun.

Para lang umandar ang usapan tinanong kita ng “Bakit”. Ginaya mo lang ako at sinabing…“Wala lang!”

Kailan ba magsasara ang EDSA nang matigil na ang mga kwento ko tungkol dito? Kailan ba magsasara ang EDSA nang matigil narin ang mga kwento ko tungkol sayo?

EDSA

January 16 noon.
Nakasabay kita.
Sa EDSA.

Isang metrong layo. Isang malakas na “Hi”. Isang tingin. Isang ngiti. Dalawang magkaibang sasakyan.

Nakita kita kanina. Alam ko kung saan ang punta. Nasa taxi ako. Ikaw, nasa maganda mong sasakyan. Katabi ng sinasakyan ko ang kotse mo. Matagal na nakatigil. Gustong gusto kong sumenyas ng “Hi!” o di kaya’y ibaba ang bintana ko’t katukin ang iyo. Pero hindi ko nagawa. Baka kasi mag green light agad at maputol ang kamay ko. In short, na DUWAG na NAMAN ako.

Parang kasing haba ng panaginip ko ang ilang minutong stop light sa EDSA kanina. Ang lapit lapit mo…. ang lapit lapit ko na sayoooo. Gusto kong mas lumapit pa pero ang layo naman ng tingin mo. Isang malakas na “Hi!”. Isang tingin. Isang ngiti. Iyan sana ang gusto kong matanggap galing sa iyo kanina…pero umandar na ang mga sasakyan…ang layo mo na!