June 22nd. Cook Adobo.

25 things to do before I turn 25 on the 25th of June

Cook Adobo.

Hindi ka pinoy kung hindi ka pa nakakatikim ng ADOBO. Isa na nga kasi ito sa mga pinakapaboritong Filipino dish. Minsan narin itong tinawag na “The ultimate Filipino comfort food” pati nga din mga foreigner eh inuulit-ulit ito. Gustong gusto kasi ng mga dila natin yung pinaghalong lasa ng alat at asim minsan nga ay may tamis pa.

Kare-kare, ginisang ampalaya, longganisang lucban, lumpiang gulay..yan, ilan lang yan sa mga super favorite kong pagkaing pinoy. Ilan lang yan, kasi kung iisa-isahin ko eh baka hindi ako matapos niyan.

Medyo nakakapalan ako sa sarili ko dahil ang lakas ko kumain pero hindi ako marunong magluto. At dahil gusto ko rin naman masabihang “pwede na ako mag-asawa”, sinama ko sa listahan ng 25 kieme ko ang pagluluto at sa basic na adobo muna tayo. Noong summer, nagtry na ako magluto nito pero with the help of Maama and Mama Jo. Madali lang pala talaga. (Lagi ako nagrerequest kay nanay na adobo ang ulam, ngayon ko lang narealize na never ko pala siya tinulungan Okay. Bad daughter!)

ingredients:

½ cup of soy sauce

½ cup of vinegar

1 tablespoon brown sugar

bay leaf

a clove of garlic

pork (sakto lang ang dami. Hindi ko na alam kung ilang kilo siya basta yung natira sa lang ref,)

Pinakuluan ko muna yung karne, kapag kasi matigas pa daw hayaan munang lumambot. Ede go!!! Sa isang bowl hinalo ko ang toyo at suka, sinama ko din pala ang konting asukal…mga isang kutsara. Hinalo ko ng hinalo hanggang tumama na yung lasa pero kumulo na yung karne eh hindi ko parin nakukuha ang lasang gusto ko sana.

Inilagay ko na yung hinalo ko sa pinakuluan na karne. Okay lang daw na wag ko na tanggalin yung sabaw sabi ng nanay ko.

Natapos na nga ako magluto. Alas siete na, oras na ng pagluwas ko. Madali kaming naghain at kumain. Kumuha ng adobo si Cheska, naglagay siya ng sabaw sa kanin. Nagalangan ako sa dami ng kinuha niya. Ang huling tikim ko kasi dito, medyo maalat. Tinanong pa nga niya ako, “Ate, bakit ayaw mong kumuha ng niluto mo? Kinakabahan ka no?” Hahahah.

Tinanong ko naman si tatay habang kumukuha siya ng niluto niyang inalamangan, “Tay, hindi ka kakain ng adobo?” sumagot siya ng “Ayaw ko.” Pero hindi naman niya alam na ako ang nagluto. Swear! Di niya alam at kahit nuong nalaman niya hindi parin siya tumikim. Hahahaha.

Ito yung picture sa ilalim. Muka naman siyang Adobo diba? Muka din naman siyang edible diba?Image

Wala akong narinig na “Masarap!” aminado naman din kasi ako. Okay lang wala din naman akong narinig na “Hindi masarap!”

Sa susunod na magaadobo ulit ako, promise gagalingan ko na at sasabihin na nila na pwede na akong mag-asawa!

Advertisements

June 15th. Finish the song I started writing

25 things to do before I turn 25 on the 25th of June
Finish the song i started writing

FRIENDZONE

Carmela Dawn Abas

INTRO
Nahulog
Natusok
Nalunod

VERSE I
Noong una’y wala namang naramdaman
Walang kahit anong espesyal
Noong tumagal
Nagkaroon na ng pagkakaintindihan
Malalim na pagkakaibigan
At pagkakamabutihan

VERSE II
Kinikilig ako
Kapag kinakamusta mo
Natutuwa ako
Kapag tinatanong mo kung nasaan ako
Susundan mo kasi ito ng “Tara! Labas tayo!”

REFRAIN
Pero ano ito?
Bakit ganito?
Ano ba itong kinakanta ko?
Umiibig na nga ba ako?
Huwag naman sana saiyo
Dahil alam kong ife-friendzone mo lang ako

CHORUS
Nasanay ako na lagi kang nandiyan
Akala ko tuloy pareho tayo ng nadarama
Oo nga pala
Muntik ko na makalimutan
Sa iyo’y wala naman talaga
Akot ika’y magkaibigan lang pala

VERSE III
Binigyan ko ng ibig sabihin
Lahat ng ‘yong ipinakita
Nahulog na nga ako
Natusok ng hindi mo alam
Nalunod ng hindi sinasadya

VERSE IV
Gusto kita at gusto kong isigaw
Ayokong lumayo ka
Pero ayaw ko ding pagkakaibigan ay masira
Pero ako ang nagwasak
Hindi ko naman alam
Akala ko’y ganito din
Iyong nararamdaman

BRIDGE
Sabi ko na nga ba
Ako na naman ang taya
Ako’y talo na nga

Okay, now I just need someone to sing this. Jb, ready ka na?

June 12th. Independence day. Tell that special person how I feel.

25 things to do before I turn 25 on the 25th of June

Tell that special person how I feel

 

I should be thinking about my boracay trip but I woke up this morning thinking about you. I am still convincing myself that I am already awake and I am far from dreaming.

Okay ang arte ko!

Independence day ngayon, 116 taon na ang nakaraan noong ipinahayag ng Pilipinas ang kalayaan nito sa mula sa pagsakop ng Espanya. Hindi ako si Pilipinas pero parang ganun na din. Sinakop kasi ako. Nagpasakop kasi ako. Nagpasakop kahit wala ka namang balak na gawin ito. Ngayon, ako ang magpapalaya sa sarili ko. Ako ang magpapalaya sa nararamdaman ko!

It has been a year, when i felt this special something inside my chest whenever we are together and even when we are not. It has been a year when I secretly started calling you “Babe”. (Tinatawag naman kita ngayon ng baby boy pero tinatawag ko rin sila para hindi naman ganun kahalata.)

But that’s my problem! I know that I am too obvious. Hindi ko naman talaga kayang magtago ng kung ano mang nararamdaman ko. Alam ng tao kapag galit ako, alam nila kapag hindi at alam nila kapag inlove ako.

I don’t know if it’s love already but I think about you all the time, I want to be with you and I am happiest when I am with you. Tell me, is this love?

Hindi ko alam saan nagsimula, well, wala din namang nakakaalam kung bakit naiinlove ang isang tao (kung love na nga ito). Hindi natin alam kung bakit nagmamahal ang isang tao (kung love na nga ito). Walang rason kung bakit mahal ng isang tao ang mahal niya (kung love na nga ito).

Sa parte na ito, ako naman ang tatayo sa lugar ng sumakop. I am now giving up! Eh kasi naman dapat matagal na. Matagal mo na akong binabasted diba? Hindi pa nga ako nagtatanong basted na agad ako.

 

Kung nababasa mo ‘to, gustong gusto kita!

Kung nababasa mo ‘to, tell me how do I unlove you! (kung love na nga ito)

Kung nababasa mo ‘to, sumigaw ka ng ahhhhhhh!

Kung nababasa mo ‘to, pwede ka naman magcomment.

Kung nababasa mo ‘to, salamat sa pasalubong galing Japan! Hindi ko pa nakukuha sa bestfriend mo.

Kung nababasa mo ‘to, oo. Ikaw yung lalaki sa storya ko tungkol sa EDSA.

Kung nababasa mo ‘to, I really wanna see you tonight! 

Kung nababasa mo ‘to, thank you for everything!

Kung nababasa mo ‘to, don’t worry. I’ll stop na.

Kung nababasa mo ‘to, I LOVE YOU at last ko na to!

Kung nababasa mo ‘to, I ADOre you!!

At salamat sa pagbabasa nito!

 

 

June 6th. Go to a movie date with my Lola Edna.

25 things to do before I turn 25 on the 25th day of June.

Go to a movie date with my Lola Edna

 

June 6 talaga ang birthday ng lola ko. 80 na siya today. Sakanya ko siguro namana ang hilig sa pagkain. Haha. Sakanya ko rin namana ang pagiging layas, yung laging gusto eh nasa labas ng bahay at pumupunta sa kung saan. Sa idad niya na yan, simabahan at mga bahay ng mga anak nalang ang kaya niyang puntahan. Hindi na siya nakakaluwas sa Maynila para puntahan ang mga kapatid niya at mamasyal.

Tatlumpu’t talo kung hindi ako nagkakamali ang apo niya. Ang dami diba? Ang apo niya sa tuhod? Hindi na mabilang. Hindi ko pwedeng sabihing ako ang paboritong apo ng lola. Hindi naman kasi siya namimili. Wala siyang paborito. Pantay-pantay ang pagtingin. Lahat kami close sakanya. Naranasan na namin na maipasyal niya kami sa iba’t-ibang parte ng Laguna o ng bansa. Kapag kasi umaalis siya dapat laging may kasamang apo hindi para maging alalay kung hindi para ipasyal. Laging may pasalubong, lagi ding may regalo kapag birthday. Sweet no? Sa dami namin naaalala pa niya ang birthday ng baway isa. Eh well, hindi din pala lahat. Haha.

Sabi nga nila, kapag laki ka daw sa lola, spoiled ka daw panigurado. Ang mga magulang kasi laging sinusuway ang mga anak. Ang mga lolo’t lola naman, nangungunsinte, baby ang turing sa mga apo kahit malalaki na sila. Alam kasi nila na ang mga nanay at tatay na nila ang nagagalit kapag may mali itong nagagawa kaya ang role nila, lambingin sila. Kaya naman kaming mga apo niya, grabe din kung lambingin siya! She does everything for all of us that’s why she deserves nothing but the great things in life!

Kaya nga grabe nalang siya kung makapressure saakin, gusto na daw niya makita ang anak ko!

3 months ago

Lola: Carmela, matanda ka na! Mag-asawa ka na!

(At inulit pa niya.)

 

Kanina

Lola: Ito ngang si Carmela, ayaw pa magasawa. Dadalo pa ako sa kasal mo. Bigyan mo na ng apo ang nanay mo!

 

Kung alam mo lang, La! Hahaha.

 

Hindi ko pa man siya mabigyan ng apo sa tuhod, binalak kong i-date siya sa sine. Ang naaalala ko kasi, ang unang-unang pelikulang pinanood ko eh siya ang kasama ko. Princess Sarah ni Camille Prats pa nga ang palabas. Sa Agrix ito sa UPLB. Ngayon, ibabalik ko naman ang favor. Hindi na niya kayang umakyat sa elavator at manoood sa malaking screen kaya ang sinehan ang dinala ko sakanya.

Portable DVD ang binili kong regalo para sa kanya. Masaya ako at natuwa naman siya. Ang mga pelikula? Tagalog siyempre!

Sa pag-uwi ko ulit sa susunod na linggo, magdadala pa ako ng maraming movies at sabay namin sila lahat papanoorin.

 

Dear Lola,

Huwag mo muna ako hihingian ng apo sa tuhod. Manood nalang tayo ng sine!

Love,

Carmela