Do I really have that super powers?

Ito satin-satin lang ha. There are times that I am able to see what will happen in the future. Clairvoyant pala ako. Hindi ko alam kung kailan siya sumusumpong. May mga oras na just right before it happens eh nakikita siya ng mata ko o naririnig siya ng tenga ko o naiisip siya ng utak ko. There are also chances that I dream about it.

Ilang beses ko na naranasang nagkatotoo ang mga ipinakita sa panaginip ko. Bata pa ako nuong una akong makaranas ng ganito. Ayoko na silang isa-isahin kasi hindi naman iyon ang point ng blog na ito.

Kaya nga hindi ako naniniwalang ang mga panaginip natin ay kabaliktaran ng mangyayari kapag gising na tayo.

Ilang beses ko na sinabing…
“Hindi tayo nananaginip ng maganda para lang umasa bagkus para umasa at maniwala, maniwala at mangarap, mangarap at tuparin ito, tuparin ito at maging masaya! Sa susunod na managinip tayo ng maganda at biglang gisingin tayo ng umaga, wag tayong mainis. Ginigising tayo ng magandang araw para tuparin ang ating mga panaginip.”

Nanaginip ako kagabi. Ang kwento eh hinahanapan daw ako ng buong pamilya ko ng mapapangasawa.

(Parang totoo naman talaga ito. Si Lola Edna kasi ilang beses na ako tinanong kung kailan ko bibigyan ng apo ang nanay ko.)

Ang panaginip ko tungkol sa fixed or arranged marriage na hindi naging klaro saakin ang dahilan. Basta ang alam ko kailangan din namin maghiwaly after. Hindi ko alam kung sino ang itinakda nila bilang magiging asawa ko. Surprise ata saakin pero kami pala lahat ang nasurprise.

Papunta na kami sa simbahan, nakatrahe de boda na ako, ready na ang handaan, marami na ang bisita, PERO WALANG GROOM! (Kahit sa panaginip, iyun parin ang issue.) Paano ang kasal kung bride at pari lang ang nandun?

Continue reading “Do I really have that super powers?”

Advertisements

Ayoko ng putik, ayoko ng madumi kieme!

Paluwas na ako ng Manilla nuon, katatapos lang ng napakahabang meeting sa isang school sa Batangas. Nagaabang ng bus sa highway na under construction dahil sa road widening. Medyo nagmamadali dahil katanghalian. Hawak ko sa kaliwang kamay ko ang folder gamit sa presentation at ang Starbucks Diary ko. Ang kanang kamay ko, gamit ko pang senyas ng para.

May nakita na akong bus finally. Malabo ang mata ko kaya inantay ko munang lumapit pa ng kaunti para parahin siya. Hindi ako pumara. Papunta kasi akong Megamall at LRT Buendia ang sign board ng dumaan na bus.

“Ano ba yan?! Ang tagal! Ang init init!” Iaangat ko dapat ang kaliwang kamay ko para protektahan ang mga mata at ulo ko laban sa matinding sikat ng araw. Hindi ko alam na sa pagtataray ko palang iyon mabilis akong dadapuan ng karma.

Continue reading “Ayoko ng putik, ayoko ng madumi kieme!”

Bato Bato Pik

Sabi nga nila kung gusto mong makakita ng magagandang bato ng dagat pumailalim ka sa gitna nito. Duon marami kang makikita, marami kang makukuha.

Low tide nuon, nasa pampang ako. Nilakbay ko ang tabing dagat hanggang mahawakan ko ang tubig. Malayo. Maraming maliliit na isda at hipon ang sinubukan kong hulihin. May ilan-ilang starfish at maliliit na pagong na hindi maanod ng tubig ang tinulungan kong makabalik. Natalapid ako sa isang hugis bilog na malaking basura. Haha. Nakakatawa. Kasabay nito ang paghulog ng bracelet ko. Hindi ko na siya nakita. Hayae na loombands lang naman yun.

Sa wakas naabot na ng mga paa ko ang dulo ng dagat. Iba ang feels na makaramdam ka ng lamig at kilig ng sabay. Tila abot na abot ko na ang mga batong aking inaasam. Na-excite ako. Inilubog ko ang kanang paa ko, isinunod ko ang kaliwa. Pumaroon pa ako hanggang kalahati na ng katawan ko ang basa. Inaapa ko ng paa ko ang mga buhangin sa ilalim. Wala paring mga bato. Tinubog ko na ang buo kong katawan. Pinigil ang hininga at sumisid. Wala akong mga paraphernalia. Walang oxygen tank, walang goggles. Hindi rin ako nakabihis pang-iwas pating pero hindi rin naman ako takot lapain.

Hindi naging madali para saakin ang maglangoy. Nakailang panhik panaog ako sa ibabaw ng dagat para makakuha ng sapat na supply ng hininga. Pagkatapos ng pang walong subok, ayun nasanay na ang baga ko at narating ko din ang tinatawag na pusod.

Mas malalim ang marating ko mas magagandang corals at makukulay na isda ang nakikita ko. Noong nakakita ako ng tumpok na uri ng buhay na bato hindi ko na pinalampas ang pagkakataong pagmasdan, hawakan at kuhanin ang mga ito. Mga buhay na bato…pero yun pala ang akala ko. Buhay nga sila pero nagmistulan lang silang bato. Magaling silang umarte. Tumpok pala sila ng mga sea urchin.

Masakit matusok ng isang paa ng sea urchin at syempre mas masakit kung marami sila. Para kang humawak ng 100 matitilos na karayom, karayom na tinawanan ka pa pagkatapos mong matusok.

Nagkamali ako.
Ang dami kong pinagdaanan para makuha ang mga inaasam kong mga bato, iyun pala sa huli ay hindi rin naman pala sila makabubuti para saakin.

Bumalik na ako sa tabing dagat. Umupo ako at humiga habang naghahabol hininga at pinananakitan ng kamay. Paglagpak ng ulo ko sa buhangin, nauntog ako sa isang matigas na bagay. Lumingon ako, isang malaking shell ang nakita ko. Binuksan ko siya kahit wala namang “open here” na nakalagay. Nakausli kasi siya.

Laking gulat ko nalang na makikintab na perlas pala ang nasa loob. Mga tunay na kayamanan. Marami sila. Hindi ko mailagay lahat sa kamay ko.

Ang saya ko! Mayaman na ako! Inangat ko ang malaking shell. Ano ang nakita ko? Ang nawawala kong mga goma. 🙂