An ‘X’ will never be a ‘Y’ nor a ‘Z’

Hinahanap kita:

• Sa kantang Lips of an Angel ng Hinder pati sa Grow Old with You ni Adam Sandler
• Sa Baker sa UPLB
• Sa mga litrato. Mabuti nga at walang punit na litrato
• Sa alapaap
• Sa tindahan ni Aling Emma
• Sa malaking payong
• Sa simbahan ng San Antonio
• Sa sinehan
• Sa internet at sa internet cafe
• Sa lobo
• Sa lata ng ice cream
• Sa sugar cane
• Sa Calachuchi
• Sa Crocodile Island
• Sa jeep, sa tryk at pedicab pati sa mga chauffeur
• Sa mga assignment ko
• Sa hikbi ng mga bata
• Sa mga bitwin
• Sa lumuluhang mga ulap
• Sa lahat ng pag-aaway at pagtatampuhan
• Sa mga yakap at halik
• Sa mga ngiti at halakhak
• Sa aking mga nagawang tula
• Sa ating nakaraan

Lagi akong bumabalik sa ating kahapon.
Lagi akong binabagabag ng ala-ala…ng ating mga ala-ala.

Sa paglalakbay ko’y hinahanap kita.
Sa paglalakbay ko’y hinahanap ko ang dating ikaw at ako, ang dating tayo.
Sa pagdating ko sa ating lumang istorya, dala-dala ko ang lahat ng alam kong kaya kong dalhin.

Pero may isang bagay na kahit anong pilit ko ay hindi ko kayang kargahin.

Marahil natutuwa ang isip kong bisitahin ang ating masayang nakaraan pero hindi kayang balikan ng puso ko ang dating panahon, ang kwento ng ating kahapon.

Advertisements

Ideal Man

Minsan ko nang inilista ang mga gusto ko sa isang lalaki.
Minsan ko naring binura ang listahang ito.
Nuong minsan naman may nakapagsabi saakin na dapat daw talagang may sinusunod tayong standards. Huwag daw tayong mahiya kay Lord na humiling ng “perfect man”. Huwag nating ibaba ang standards natin dahil lang sa hindi ito namemeet ng mga nakikilala natin.

Kapag kasi humiling ka lubus lubusin mo na. Pwede naman yun eh. Dapat nga lang alam mo ang pagkakaiba ng ilusyon at realidad.

Nuong medyo bata pa ako at namulat ako sa mundo ng kakirihan, gumawa ako sa utak ko ng itsura ng gusto kong maging boyfriend. “Tall, dark and handsome”. Naghanap ako ng ganyan dati. Medyo balingkinitan pa ang bewang ko kaya feeling feelingan ako nuon.

Continue reading “Ideal Man”

HOPIA like it

Habang may buhay may pag-asa. Ang corny ng intro ko. Hindi naman kasi talaga yan ang intro ko dapat. Nuong siminulan ko kasi ang blog entry na ito ang bitter bitter ko, ngayon puro hope na ata…puro HOPIA.

FLAMES at HOPE
Noong gradeschool kapag gusto kong malaman kung may pag-asa ba ako sa crush ko kumukuha ako ng chalk. Isinusulat ko sa blackboard ang pangalan niya at pangalan ko. Inaalis ko ang common letters dito. Gagamitan ng kaunting Mathemetics. Add…add. Magbibilang ng paulit ulit hanggang sa isang letra nalang ang matira sa acronym na FLAMES. Swerte ako dati kasi LOVERS ang lumabas nuong flinames ko ang pangalan ko at pangalan ng crush ko. College na ako nuong tuparin ng FLAMES ang promise niya.

Continue reading “HOPIA like it”