Time Traveler

Nakailang rotate na ang Earth. Ilang shifting narin ang ginawa ng araw at buwan. Ilang libong bata na ang lumabas sa keplas ng nanay nila. Ilang tao narin ang nashugi dahil sa…syempre oras na nila.

Namunga na ang mga Daisy ni Aling Jasmin. Natapos na ang ginagawang building sa Ortigas. Itinayo na ang pangatlong H&M store sa Pilipinas. Magpapasko na ulit.

Pero asan ka? Nandiyan ka parin. Sa kanto kung saan kayo huling nagkita.

Gaano ka pa katagal tatambay diyan? Ilang mukha pa ang iisaisahin mo para makita mo ang feslak niya? Ilang balikat pa ang kukulbitin mo para icheck kung siya na? Extend pa ba, te? More tambay more fun?

Sa totoo lang araw-araw siyang dumadaan diyan. Diyan siya sumasakay at pumapara ng taxi. Naggogood morning siya sa mga taong nakakasalubong niya na apparently mga taong katabi mo rin. Hindi mo lang siya nakikita. Kasi ayaw niya. Ayaw niyang makita mo siya. Ayaw niyang makita ka pa niya. Kasi sa mundo niya wala ka na.

Ang isa kasi sa inyo nag time travel…at ikaw yun. Nasa panahon ka nung ang LOVE ay bago niyo pa lang pinapauso. Siya, nasa CURRENT TIME. Sa panahon na laos na ang PAG-IBIG. Pag-ibig na (pwe!) wala naman talaga!

Sa kapi-pilit mong ihinto ang oras kasama ang mga SANA mo ayun siya umabante na nang wala ka.

Hindi ka kaawa-awa dahil he made you iwan. Hindi ka rin mukang eng-eng dahil nabubuhay ka sa kahapon.

Umalis ka na kasi diyan. Tara na. Samahan kita. Sabay na tayong umalis dito.

Advertisements