The night when I had nowhere to go

Kasalukuyan akong nasa Capitol Commons ngayon. Nasa tapat ng bagong bukas na Estancia Mall exactly. Sabi sa website nila, it is a new upscale shopping mall that will be the new center of sophistication, class, and glamour in retail and fashion industry. Estancia mall is located in Meralco Ave., Pasig. Nasa gitna ito at ako ng Kapitolyo at Ortigas Center.

May bandang tumutugtog ng “Unstable” sa harap ko. Maganda ang lyrics ng kanta nila. Sabi kasi “We are unstable but we are inseparable. Parang maganda yung boses nung vocalist pero parang hindi din kasi sa next song nila na tagalog parang nagboses babae naman siya.

Sa paligid ko may mga pawis na pawis na nagjo-jogging. Kanina pa sila paikot-ikot. Hindi ba sila nahihilo? May mga nagpa-practice pa ng sayaw. HIndi naman sila sabay-sabay. Para ba yan sa Christmas Party?

Meron ding dog walkers. Ang cute ng basset hounds. Bikers, present din sila dito. Gusto ko makipag friend pero mas gusto ko palang magsulat kaya sa ibang araw nalang.

Maraming lovers sa benches nakatambay. Sige akbayan pa, samahan pa ng yakapan. Yung mga magbabarkadahan, nasa grounds. Maraming naglalakad. Karamihan siguro sa kanila pauwi na. Ang dami ding sasakyan. Ang lalakas ng mga ilaw nila. Daig yung mga spotlight sa events.

Pakisali din ang mga pesteng lamok dito. Umulan kasi kaya active ang night time mosquitoes.

At ito ako, nasa banch kasama ang bike ko . Hawak ang maliit na na notebook sa kaliwang kamay at ballpen naman sa kanan. Heto ako, nagpapakawirdo. Iniimagine ng utak ko kung paano kung patigilin ko ang mga taong takbo ng takbo, bike ng bike at sayaw ng sayaw sa paligid ko pati itong bandang tumutugtog, ang mga sasakyan, ang mga pesteng lovers este lamok este naglalambingang couples.

Paano kung pahintuin ko ang takbo oras? Paano kung patigilin ko ang ikot ng mundo? Lahat ng living and non living things sa paligid ko naka freeze. Lahat parang nasa still photo. Still photo na ako lang ang gumagalaw. Ako lang ang humihinga. Pwede akong sumigaw na walang nakakarinig. Pwede akong magnakaw ng halik na walang magbibintang. Pwede akong kumain ng…ay ayoko pala. Hindi ako pwedeng kumain. Magiging bato ako pag kumain.

Sa pagsusulat ko na ito sa maniwala ka’t sa hindi, napatigil ko ang mundo, napahinto ko ang oras. Sumigaw nga ako eh. Hindi mo narinig? Eh siyempre nakafreeze ka eh!

december 4