There’s no such thing as HEARTBREAK

Alam mo bang hindi naman totoo yung katagang “heartbreak”?
Hindi puso ang nasasaktan kapag iniwan ka ng mahal mo. Bakit mo sasabihing puso? Puso lang? Hindi puso lang! Parati parin siyang nakikita ng mga mata mo, naririnig parin ng tenga mo ang boses niya, nananabik parin ang katawan mo sa mga yakap niya, inilagay mo siya sa utak mo, naging parte siya ng buong sistema mo.
Kaya kung sino man yang nagpauso ng “heartbreak” na yan. Hindi niya alam ang sinasabi niya!!
Advertisements

May Pag-ibig?

Pag-ibig? Pag-ibig? Walang PAG-IBIG??

Akala ko nasa pelikula ako ni Jennylyn Mercado. Hindi naman. Nasa current time ako. Walang camera at director. Walang script. Nakasakay ako sa UV express. Tinatahak ang Shaw Boulevard papuntang Quiapo. Nagtanong si manong drayber. Tinanong niya ako. AKO talaga!

Pag-ibig? Pag-ibig? Walang PAG-IBIG??