Akala ko kami na

Prrrrrrrt!
Maagang pito yan galing sa isang enforcer na nagta-traffic sa intersection ng Julia Vargas at Meralco Ave.

Bisiklista ako. Oo. Nagbabike ako papunta at pauwi galing office. Pag nalalaman ng mga tao na bike ang service ko, halos lahat sila isa lang ang tanong- “Hindi ka ba natatakot?”

May mga insidenteng muntik muntikan na akong hmmm sumemplang, mabangga, makaladkad. May mga ilang beses narin akong pinagalitan ng traffic enforcer…katulad na nga lang kanina.

Prrrrrrrt!
Maagang pito yan galing sa traffic enforcer.

Patawid ako from Julia Vargas Home Depot side papunta sa One Corporate Building along Meralco Ave.

Nakita ng dalawang mata ko. GREEN light na!
Sa traffic lights, ito ang GO signal…pwede ka na umabante…andar na.

Umarangkada ako na parang ako lang ang sasakyan sa daan. Parang ako nga lang talaga. Noong akala kong turn na namin para umandar, nag dere-derecho ako. Huli na nung narealize ko na may traffic enforcer pala sa gitna, siya pala ang dapat sundin at hindi ang traffic lights.

Nagpanic ako. Kasalubong ko na lahat ng sasakyan galing Meralco Ave. Ang dami ng bumubusina. May sumigaw pa ng “Ineng, tumabi ka muna!” Tumigil ako sa gitna. Tumabi ako sa nagttraffic na mama.

Traffic enforcer: Prrrrrrrt!
Me: Sorry po. Akala ko po kasi kami na!

Ayan kasi. Nagaassume. Muntik na ako dun. Muntik muntikan na.

LESSON LEARNED:
Bawal mag assume na turn niyo na… na kayo na. Minsan kasi kahit may go signal na wala parin itong bisa.
Wag magassume!
Delikado!
Nakakamatay!

Advertisements