Makatang Batch 2011 ABCOMM 4-1

College of Arts and Sciences

Faculty and Staff

Lyceum of the Philippines – Laguna

Ang aming naging pangalawang magulang.

Salamat po dahil sa loob ng klase kinunsinti at hinayaan niyo po kaming…

  • I-vandal ang mga mithiin sa buhay
  • Sayawin at kantahin ang aming kalayaan bilang tao, bata at mag-aaral
  • Ihagulgol ang sari-sariling insecurities, frustrations at nabasag na mga pangarap
  • Maidlip upang dalawin kami sa panaginip ng aming konsensiya
  • Ikalat ang mga basurang pinaniniwalaan niyong recycled materials
  • Tawanan ng malakas ang mga problema
  • Tumakbo sa corridor hanggang makarating sa finish line kung saan nakalagay ang aming diploma
  • Pumasok ng nakapaa (Noun –pagsayad ng paa sa lupa)
  • Hindi isuot ang ID para mabigyan kami ng pangalawang pagkakataong mas makilala ng iba
  • Itaas ang aming mga kamay upang manindigan
  • Sumipsip sa inyo ng kaunti para magkaroon ng thin line of respect na tinatawag
  • Makipagdaldalan sa iba’t-ibang pagkatao
  • Basagin ang mga bintana ng classroom para hanggang sa labas ay matuto
  • Mag-cutting class, mag-half day at umabsent para mahanap ang sarili
  • Madapa at bumangon at madapa at bumagon muli
  • Hindi payungan habang basing-basa sa ulan upang malaman ang aming tibay at tatag
  • Isulat sa slambook ang unforgettable moments with you at i-photocopy ito ng 100x
  • Maraming salamat at hinayaan niyo kaming gawin ang mga ito. Sa huli’y naging mga magulang parin kayo at hindi niyo kami pinabayaan.

Maraming Salamat po sa pagpapakita sa amin ng powerpoint presentation ng buhay!

Advertisements

Tama ang Magkamali

Nagkamali ka?

Okay lang yan.

Masarap magkamali.

Magkamali ka ng marami pang beses.

Pumalpak. Sumalampak.

Bigyan ang sarili ng pagkakataong bumagsak.

Hayaan mong madapa ka.

Sige, gumulong pa.

Dahil sa huli’y ang may pinakamaraming sugat ang siyang pinakamaalam.