My first day of being 26

11:55 pm. June 24, 2015.Nagtatrabaho pa ako niyan pero nagmadali naring tumakbo palabas ng opisina para hindi naman ako abutan ng alas dose na nagoovertime.
Pagpara ko ng taxi, sakto. Nagpalit na ng araw. Sa kalendaryo sa telepono ko JUNE 25 na. 26 na ako. 
Aminado ako, isa ang ang nakaraang taon sa pinaka challenging na taon sa buong buhay ko. Sabi kasi nila kapag 25 ka daw mararanasan mo ang tinatawag na quarter-life crisis. Ang hirap! Linsyak! Nandiyan yung hindi mo alam kung nasaan ka na, hindi mo maiiwasang ikumpara mo ang sarili sa iba, madedepress ka kasi akala mo hindi ka magaling, pakiramdam mo wala kang saysay.
Ang dami mong gustong gawin. Gusto mong yumaman, makilala, humanap ng bagong mapaglilibangan. Gusto mong isulat ang buong buhay mo, gusto mong idrawing ang mga pangarap mo, gusto mong kumanta ng sad songs kasi hindi mo alam ang gusto mo. Gusto mong gustuhin ka niya. Gusto mong lumipad at mawala nalang basta. Sa dami mong gusto, nakalimutan mo na kung sino ka ka ba talaga.
Sa tingin ko, kailangan ng lahat ng tao na mapagdaanan ang qlife crisis. Dito kasi nakikilala ng tao ang totoong siya. Sa puntong ito niya naiintindihan kung anong gusto niya. Dito, mas naaaninag niya ang mangyayari sakanya pagkatapos ng 25 years pa.
Guidance. Yan ang kailangan ng taong nagqqlife crises. Supporters ng gagabay sakanya para sabihing “Normal lang yan… Matatapos din ang lahat”. Ang mga walang sawang magbibigay sakanya ng words of wisdom, mga taong hindi magsasawa kahit ang tigas ng ulo niya. Mga taong magdadasal kasama siya.
Nagpapasalamat ako dahil maraming tao ang nandiyan para saakin.
26 na ako at malayo pa ang half life crisis. Nasa quarter parin ako pero ngayon, alam ko na ang gagawin ko. Unti-unti ko na nakikilala ang sarili ko. Totoo ngang may rason ang lahat ng bagay.
Bitin muna ito ha kasi hindi pa naman tapos ang unang araw ng pagiging 26 ko. Ala una palang ng madaling araw. Magkikita pa kami mamaya. Magkikita pa tayo. 

Advertisements