May kilala ka bang Anghel?

Kanina ka pa namin iniintay! Mahirap ang byahe noh? Okay lang yan. Mas malaki na ang pamilya, nandito ka na. Sa totoo lang, parang minu-minuto may mga dumarating pero ikaw, inexpect ka talaga namin.

Huwag kang mahiya dito ha. Ito na ngayon ang tahanan mo. Sama-sama na tayo.

Ito-tour muna kita at ipakilala ko narin yung ilan sayo. Ang laki ng bahay natin no at pasensya ka na dahil marami tayo dito, maingay pero masaya naman.

Tingnan mo dito sa hapagkainan, pagdating ng alas dose nandito tayo lahat para kumain. Hindi kakain hanggang hindi kompleto. Kakain tayo nang sabay-sabay. Kakain tayong masaya. Laging masarap ang pagkain dito. Lagi tayong busog.

Alam ko gusto mo na makita ang mga bago mong kalaro. Dito tayo sa kabilang pinto pumasok. Oo nga pala, napansin mo bang nakabukas lang yung gate kanina? Ganito kasi dito. Laging bukas ang bahay natin sa lahat ng nakatakdang pumasok.

Ito na. Ipapakilala ko na sila sayo. Katulad mo, may dahilan din kung bakit sila napunta dito. Katulad mo lahat kami dito pinalayas, pinaalis, itinaboy ng sarili naming mga magulang dahil ayaw nila sa amin.

Yang sa kaliwa, si Loisa. Maliban saakin, siya ang pinakamatagal dito. Tatay niya ang nagpalayas sakanya sa bahay nila. Ayaw sakanya ng tatay niya kasi mahirap lang daw sila. Hindi niya kayang suportahan siya. Lagi silang binugbog. Yung nanay niya pinalayas din. Hindi pwede dito ang mga nanay eh kaya hindi rin sila magkasama.

Si Ambo naman yung katabi niya. Bulag siya. Nabulag kasi sinabuyan siya ng nanay niya ng masamang kemikal. Sabi sakanya ng nanay niya ayaw raw sakanya ng lolo at lola niya. Takot kasi yung nanay niya sa mga magulang niya.

Si Daisy, Jasmin, Rose, at si Lila naman yung nandito sa kabilang kwarto. Hindi man sila magkakamuka pero oo, magkakapatid sila. Hindi sila sabay-sabay nung napunta dito. Nauna si Jasmin tapos makailang buwan si Daisy naman ang sumunod. Nito lang yan si Rose at Lila eh. Sabi nga nila may dadating pa daw silang kapatid. Nandito sila lahat kasi sagabal daw sila sa pagtatrabaho ng nanay nila. Wala silang tatay. Nilalayasan daw sila.

Siya ang pinakamasiyahin dito kahit wala siyang kamay at paa. Hindi natanggap ng buong pamilya ni Andres na ganyan siya kaya wala siyang choice kung hindi dito nalang.

Ilan lang sila. Marami ka pang makikilala. Dito mo mararamdamang hindi ka nag-iisa at iisipin mong pare-pareho lang ang lahat ng nanay at tatay…na walang inisip kundi ang mga sarili nilang kapakanan at kahihiyan nila sa lipunan. Haha. Nakakatawa no? May kahihiyan sila sa lipunan pero walang kahihiyan sa Diyos. Hindi sila natatakot sa Diyos.

Muka lang hindi pero pinipilit ko paring intindihin kung bakit tayo nagiging sagabal sa pagtupad ng mga pangarap daw ng mga magulang natin? Bakit? Hindi ba nila tayo pinangarap?

Muka lang hindi pero pinipilit ko paring malaman ang dahilan kung bakit hindi nila tayo magawang mahalin, alagaan at tanggapin kahit sila naman ang gumawa saatin.

Muka lang hindi pero gusto kong magsara na ang pinto ng tahanan na ito at wala ng batang pumasok dito. Ayoko nang dumami pa tayo. Tama na. Hindi dahil hindi ko sila kayang tanggapin kundi dahil ang mga magulang naman sana ang tumanggap sa kanila.

Hmmm. Naiiyak na naman ako.

Tama na nga ang drama. Kakain na tayo alas dose na. Ilagay mo muna yang gamit mo dito kwarto ko. Share tayo! Angeline pangalan mo diba? Alam ko no? Alam ko din kung bakit ka andito. Pinalayas ka sa inyo dahil hindi naman nila gusto at planong magkaron ng anak diba? Kasi mawawalan daw sila ng maraming kaibigan at maraming taga hanga? Tama? Haay. Ginawa na naman nila. Sinabi rin nila yan sakin dati eh.

Hindi pa nga pala ako nagpapakilala. Angel ang pangalan ko. Tawagin mo akong Ate.

Advertisements

An open letter to Aurora’s lover (ex lover)

I dreamt of you last night. You still want me back.

September 2014..our friend, Jen, died. I tried talking to her kids. Naramdaman ko ang pangugulila. Sumisigaw yung mga puso nila na gusto nilang gumising ang nanay nila. Gusto nilang bumalik siya.

September 2014…sa wake ni Jen. You were there. You tried talking to me. May pangungulila. Sumisigaw yung puso mo na gusto mo akong bumalik. 
You tried talking to me. Hindi kita pinakinggan. Binoblock ko kasi yung idea dahil ayoko. Ayoko na. Ayoko na kasi talaga. 

You had a girlfriend then pero sabi ng lahat ng friends natin lagi mo daw ako hinahanap. 

Ayoko. Sabi ko sayo alagaan mo mabuti si girlfriend. I was glad sumunod ka. And you two got married April this year.

Then last night, for the 3rd time after the wedding (wedding na facebook ko lang nalaman because of the pictures posted on your wall) I dreamt of you and you still want me back. Ang vivid nung dream. Ang clear ng message.

Sa panaginip ko, pumayag ako, nagkaron ulit ng TAYO. We were really happy.

Pero ayoko sa totoong buhay. Syempre, you are married na saka ayoko parin talaga. Nabobother ako. Naaawa ako sa wife mo. Akala ko ba aalagaan mo siya? Kahit dream lang, feeling ko totoo…kasi parang totoo.