World War Hugots

Sisihin niyo yung World War III saka yung traffic sa EDSA.

#1 Pasensiya ka na kung nagulo ko yang mundo mo. Ito ka tuloy, sumuko na, umayaw na.

#2 Nagpasakop kasi ako sayo kahit wala ka namang balak sakupin ako.

#3 Kapag hindi mo na alam ang pupuntahan dahil nagkakagulo na ang buong mundo, ipikit mo lang ang mga mata mo, patuyuin ang mga luha. Tara dito! Sabi nga ng Rivermaya, “You’ll be safe here”.

#4 Sabay tayong umalis dito. Hayaan mong ako ang humawak sa kamay mo, humina man ang grip mo hindi kita kailanman ile-let go.

#5 Meron ngang World War 1, World War 2 at ngayon World War 3 eh kelan naman yung Your World With Me?

#6 Iniisip ko nalang na kaya hindi mo ako binibigyan ng bulaklak kasi matinik sila…kasi diba ayaw mo akong nasasaktan? Diba? Diba?

#7 There’s a war between my heart and my mind. My mind says I like you but my heart says I love you.

#8 Ako yung nagbukas ng rehas nung nakakulong ka. Ako yung nagpatakas sayo. Ako yung nagkalag sa nakatali mong mga kamay kasi naniniwala ako na kapag mahal mo pakawalan mo, palayain mo.

#9 Ayaw naman talaga kitang maging kalaban eh kasi gusto kitang kaLOVE-an!

#10 Kung babarilin kita, hindi sa likod o sa ulo. Babarilin kita sa dibdib para naman kahit sa una at huling pagkakataon matamaan ko ang puso mo.

 

Advertisements

Love the Art and the Artist

Kasi when you look into the artist’s eyes
soulful eh
malalim
may mutual understanding kayo
yung understanding na hindi mo makikita sa mga matang nakapaligid sayo.
Titingin ka sa iba
Mahuhulog ka
pero babalik tingin ka parin sa mga mata
na nagparamdam sayo
na bukod sa mahalaga ka
lahat ng ginagawa mo eh
maganda.

It’s gay to be gay

Me: Umamin ka na kasi *boy 2*.
Boy 1: Oo nga *boy 2*.
Me: IT WON’T MAKE YOU LESS OF A PERSON AND IT WON’T MAKE YOU LESS OF A MAN!
Boy 1: Eh bakit WON’T tapos LESS eh kabawasan nga ang pagkabading sa pagkalalaki?

Ganyan ang naging usapan namin few weeks ago. Itong mga kausap ko, hindi ko muna sasabihin sa inyo kung sino, mamaya na. Wag na muna magjudge, pagkatapos mo na magbasa.

Lumaki ako sa isang pamilyang sagrado Katoliko. “Ganito ang turo ng Simbahan, ito ang sundin natin.”  Itong pamilyang ito, pinalaki din ako na papakinggan kung anong gusto kong sabihin,  lahat ng opininyon ko rerespetuhin, susuportahan ako sa kahit anong ibig kong gawin. Pagkatapos naman kasi ng lahat, pamilya ko sila. Kung ano mang gagawin ko eh produkto kung paano nila ako hinulma. Gumawa man ako ng masama, wala silang sisisihin kung hindi ang sarili nila. Pakiramdam kasi nila nagkulang sila.

Sa aking perkspektibo naman, hindi ako pwedeng gumawa ng mali kasi iisipin kong may kinalaman ang mga magulang ko sa magiging aksiyon ko. Nakakahiya. Hindi naman nila ako tinuruan ng mga ganyan, ganito.

Mapalad ako na sila ang nanay at tatay ko. Siguro kung sasabihin ko sa kanila ngayon na nasa gitna ako ng pagiging babae at lalaki, alam ko maiintindihan nila. Maraming mga tanong pa yan pero hindi ito magiging kabawasan ng pagmamahal nila para sa akin.

Ano nga kaya kung natuloy yun? Alam mo, dati kasi nung mga panahong gusto kong ituloy ang pagiging newscaster ko, hindi ko alam kung gusto ko ring ituloy ang pagiging malaya ko. Malayang kilalanin pa mabuti ang sarili, malayang tuklasin ang mga posibilidad, malayang magmahal… magmahal ng kapareho ko… kapareho ng kasarian ko.

Continue reading “It’s gay to be gay”

First Draft of a Novel

Maganda kayang prologue ng isang nobela ang ganito:

May babaeng nasa altar, naka-traje de boda, may hawak na mikropono sa kanang kamay at cellphone bilang kodigo sa kabila, sinasambit niya ang mga pangako para sa lalaking kanyang pinapangarap.

 

“Sa lahat ng isinulat kong kwento, yung sarili kong love story na ata ang pinakamalungkot. Parte ng pagmamahal ang sakit, alam ko, pero dumating ako sa puntong, “Lord naman eh! I have so much love to give. Anong gagawin ko dito? Sayang naman to! Asan na ba siya?”

When I met you, you were in deep pain. You were very fragile. Hindi ko alam kung kaya mo pang magmahal ulit. Naiintindihan ko kung gaano kasakit yung pinagdadaanan mo dahil masakit talagang mawalan ng minamahal.

But God loves you so much! He loves us both so much! Meron siyang kakaibang paraan para icomfort tayo, para hindi na tayo masaktan. Narealize niya siguro na “Quota na sa iyak tong dalawang to. It’s time for them to be happy. They deserve to be happy!.”

Sumagot Siya nang tanungin ko. Sabi Niya “Eto na siya. Patahanin mo na nga!” Hindi Niya lang tayo pinasaya, binuo Niya tayo sa pamamamagitan ng isa’t-isa.

Kaya Lord, maraming maraming maraming salamat! Pakisabi din po sa magandang babaeng katabi niyo diyan sa langit, maraming salamat. Migo, baby, I promise to take care of you! Tita Tricia is so happy to have you.

At sa’yo, aking pinakamamahal, hindi lang I Do ang ibibigay ko sayo ngayong araw na ito kundi ang buong buhay ko. Maraming salamat sa pagbabahagi mo sa akin ng buhay mo, maraming salamat sa pagmamahal. Hayaan mo lang na mahalin kita ng lubos dahil napakasayang mahalin ka! Masayang-masaya akong mahalin ka! At salamat dahil kasama kita sa pagsusulat ng pinakamasayang kwento ng pag-ibig!”