Karangalan (2.12.14)

Hindi mo kailangang mag enroll sa UNIVERSITY OF PARENTING para magkaroon ng DIPLOMA ng pagiging MAGALING na nanay o tatay. Wala naman kasi nito sa totong buhay kung meron man, panigurado pangit ang curriculum nito. Dahil para magawaran ka ng anak mo ng pagiging mabuting MAGULANG dapat magawaran ka muna ng sarili mong magulang ng pagiging MABUTING ANAK.

Walang katuturan

Try ko kayang magsulat lang ng tuloy-tuloy. Yung hindi maglo log yung utak ko so hindi rin titigil yung pagtytype ko. Eh ano namang sasabihin ko? May katuturan ba to pagtapos?

Sabi ng paborito kong si Ricky Lee, itry daw natin minsan pagkagising natin sa umaga na magsulat lang ng kung anong gustong isulat ng mga kamay natin.

Ito yung ginagawa ko ngayon pero hindi ako galing sa kama at kagigising lang. Mag-aalas onse na nga eh. Biyernes ngayon. Ang dami ko pang energy kahit it’s a working Friday, hindi lang basta working Friday ah kung hindi super busy working Friday.

Bakit nga ba marami pa akong energy? Lahat ata ng enerhiya sa buong mundo eh sumanib na sa akin.

Well, ang point siguro ng blog post na ito eh ipaalam sa inyo na ang bibo ko pa. Pero medyo *yawn* nakakaantok na paljhdoeqdbaksba

An open letter to my favorite frenemie

Okay. I just need to let this out para mas mabilis yung healing process. Ayoko narin mahirapan pa.

Ang “sana” ko lang naman ngayon eh alam mo where I am coming from. Above anything else, I want you to know that I AM HURT. Nasasaktan ako kasi of all people, sa lahat ng tao dito sa opisina,sayo ko pa naranasan yan.

Lagi kong sinasabi na “Do no favors. Do not do things because you need to. Do things because you want to. There’s no favor between best friends.”

Pero minsan nakakapagod pala, okay lang naman mapagod diba? Alam ko na never dapat nageexpect ng anything in return kapag nagbigay tayo pero okay lang naman mapagod maging generous diba? Okay lang din mapagod maging selfless. Okay lang mapagod magtiwala. Okay lang mapagod magmahal. Okay lang mapagod kasi pwede naman tayo magpahinga. Okay lang mapagod, sige, mapagod lang tayo. Wag lang tayo hihinto.

I guess I need time para makapahinga. Sabi ko nga sayo I need time. Nagpapahinga lang ako.

Don’t ever think na sa simpleng “proofing” lang kaya ako nagkaganito. Yun lang siguro yung nag trigger. Ubod ng drama ni Ate Dawn. Aminado naman ako. Sorry. Hormones.

Tulungan mo nalang ako to regain everything. Again, I am not mad. I am just hurt. And remember that the ones who have the highest potential to hurt us the most are the ones we love the most.