Ang Hilig Ko Kasing Managinip

Hindi ko alam kay Lola kung saang parte ng Nineteen kopong-kopong (19**) niya napulot ang paniniwalang KAPAG NAGKAROON KA NG TATLONG PANAGINIP SA ISANG GABI ISA DUN SA MGA PANAGINIP MO MANGYAYARI SA TOTOONG BUHAY.

Lola: Bakit ka nakangiti? Nagdadasal ka ba o nanaginip ka ng maganda?

Umaga ito ng Lunes. Mga alas sais. Galing ako sa pagtulog. Sa masarap at mahimbing na tulog. Malaki ang ngiti. Ang tanong nga ni lola, inaalala ko ba daw ang panaginip ko o kausap ko daw ba si Lord? Habang inaantay niya ang mga sagot ko, ngumiti lang ako.

Bigla niyang kinwento ang kwento din sa kanya ng lola niya. Sa pagtulog daw kasi natin, higit sa isa ang nagiging panaginip natin. Madalas hindi natin sila naaalala o minsan isa o dalawang kwento lang ang malinaw. Kapag daw umabot sa tatlo ang vivid dreams natin, isa daw dun magkakatotoo…mangyayari paggising natin.

Sobrang linaw ng mga panaginip ko nung gabing yun. Oo. Hindi lang isa o dalawa. Tatlong magkakaibang panaginip sila. Trilogy kumbaga. Hindi siya tuloy-tuloy eh. One after the other kasi nagigising ako. Tapos pilit kong ibinabalik yung tulog ko para ituloy yung panaginip pero nag-uumpisa ng panibago eh. Sa tuwing pumipikit ako, ang bida sa bawat dream ko eh ikaw at ako.

I.
Unang meeting sa unang pelikula ko sa Star Cinema. Hindi ako artista, hindi stunt woman, lalong hindi producer. ISA AKONG SCRIPTWRITER. Kasama ko ang pool of writers (mas bata pa saakin) para tulungan akong magbrainstorm ng kuwento para sa bagong pelikula ni Ate V at Angelica Panganiban.

Drama ito. Ineexpect ng heads na makapagsubmit kami ng first draft na ikatutuwa nila. Natuwa naman sila. Sinundan agad ito ng second meeting with the lead actresses na. Naiyak sila sa materyal. Maganda daw. At dahil dito mas naiyak ako.

At dahil din diyan…nagising ako.

Pinilit kong matulog ulit.

II.
Hindi ko alam kung bakit si Vic Sotto pero si Vic Sotto ang nag-announce (pagkatapos magdasal) na may susunod siyang pelikula.
Vic: Team, Dawn will be writing the next script and Dawn, YOUR DIRECTOR WILL BE MR. M#^{+{^%]#]^]#.
Magkamay kayo.
Me: @____@

Ginising ako ng nanay ko. Alas sinko na daw kasi ng umaga. Tinatanong kung tuloy ba ang jogging ko papuntang Art Center. Sabi ko nalang, magda-diet nalang ako. Sabay tulog ulit.

III.
Magkasama tayong dalawa. Wala tayong kasamang artista, wala tayo sa pelikula. Basta magkahawak lang tayo ng kamay. Sa parteng ito parang mahal mo ako at mahal kita, parang nagmamahalan tayo. Parang tayo.

Tapos biglang nagsalita si lola.
Lola: Carmela, labahin ba itong mga damit mo?

Tapos nagising na ako, umupo, nakangiti.

Tama naman siya. Na labahin ang mga yun. Tama din siya na nagdadasal ako. At tama rin siya na maganda ang mga panaginip ko.

Tama nga rin siya na pwedeng magkatotoo ang isa sa mga panaginip ko.

Kaya ako nagdadasal kasi nagpapasalamat ako kay Lord sa pagtupad sa isa sa mga hindi lang panaginip pero isa sa mga pangarap ko. Tapos na. Tinupad na Niya.

Advertisements

Scribbled Me 06

  
GLANCES

I see sparks, fireworks, rainbows, butterflies, paradise but you see nothing but the corneas of my eyes.

Para sa aking Nanay at Tatay

This post is not about me but ahhhm maybe yes, maybe a bit.

Kapag tinatanong ako dati kung anong ideal age ko to get married, 27 yung lagi kong sagot. Sa June, 27 na ako. Wow ba? Dalawang buwan mula ngayon magpapalit na ako ng idad. Wow nga! Pero kung tingin mo eh nabobother o nappressure ako, gusto kong sabihin… “Hindi po. Hindi masyado.”

Today marks the 27th wedding anniversary of my parents. Sa loob ng 27 years na yun, ipinakita nila sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IDEAL LOVE.

May mga pagkakataong gumigitna ako sa mga hindi nila pagkakaintindihan, duon ako natuto. Duon ko nalalaman na kailangan din yun sa buhay.

Pag-ibig at pang-unawa ang dalawang importanteng bagay na dapat meron ang mag-asawa.

Kapag tingin nila eh hindi na nila kayang umunawa, sinasamahan nila ng pagtitiwala. Pinagkakatiwalaan nila ang kapareha. Pinagkakatiwalaan nila ang pag-ibig na meron sila. Pinagkakatiwalaan nila ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa.

Pinatunayan ng 27 years na pagsasama ng mga magulang ko na hindi dapat maging issue kung makalampas na ako sa idad na sinet ko. Hindi dapat ako magset ng timeline. Hindi dapat ako mapressure kung tatanda akong dalaga.

Kailangan ko lang pag-aralang alamin ang secret recipe na meron sila para pag nakita ko na si Mr. Right alam ko na ang tamang timpla. (Malay ba natin kung nandiyan na nga siya.)

Si tatay nga kasi ang ideal man ko. Sobrang haba ng pasensiya niya at pagiintindi. Idol ko siya sa ganun.

Si nanay naman, maalaga, masarap magmahal.

KINALIMUTAN KO NA YANG IDEAL AGE NA YAN. Ang meron ako ngayon, ideal parents, ideal loveteam, ideal love.