Heroes Bleed Too

A continuation.

Because even heroes have the right to bleed.

Medyo hindi ako natuwa sa pelikulang Batman v Superman: Dawn of Justice. Nandun pa naman yung pangalan ko hindi naman nila nabigyang hustisya! Hindi ako natuwa NAMATAY KASI SI SUPERMAN!!!

Isang episode dati ng go go go go Power Rangers ang ikinalungkot ko rin. ‘Yun yung episode na natalo sila ng kalaban. Paborito ko ang PR noong 5-6 years old ako. Nakakatuwa kasi na nagtutulong sila para mapuksa ang kasamaan…not until, iyun nga noong napanood ko isang gabi na natatalo rin pala sila, nasasaktan, nasusugatan.

Sa totoo lang, hindi naman talaga responsibilidad ng mga superhero na sagipin ang buong mundo. May mga pulis, sundalo army, security guard, tanod, sgt at arms sa school at PSG na trabahong pangalagaan ang sangkatauhan. They get paid for it.

Wala namang nagsabi sa mga superhero na makipaglaban sila sa masasama. Epal lang talaga sila. Pero yung kaepalan na yun NABUBUO NG 101% NA PAGMAMAHAL para sa mga taong gusto nilang sagipin.

101%. MAS PA SA KAYA NILANG IBIGAY.

‘Yan ang isa sa mga cons ng pagiging superhero. Hindi ang mga kalaban nila ang mas nananakit sa kanila, mas masakit sa kanilang maramdamang hindi pinapahalagahan ng mga tao ang ginagawa nila.

Eh ayun lang.

Sometimes heroes need heroes too.

Advertisements

I wanna be a SUPERHERO

My truest friends know that I always dream to become a SUPERHERO.

Superman, Batman, Spiderman, Wonderwoman, isama pa natin si Darna, Captain Barbel, kahit si Lastikman. Lahat sila kilala natin as superheroes.

Ang itinuro sa atin ng comics, telebisyon at pelikula, ang isang superhero ay may kakaibang superpower na kayang i-save ang buong mundo.

Tingin ko, to be able to save the world, you must have the love for the world! Bakit mo sila sasagipin kung wala kang pakialam sa kanila?

Sabi nila loving daw ako. Medyo totoo naman. Maraming love sa puso ko…para sa mga tao, para sa mundo.

Friendly. Friendly din daw ako. (sabi ko) Kung sasali siguro ako sa Baranggayan 2016, masusungkit ko ang krona ng Ms. Congeniality.

I treasure my friends a lot. Ang saya nilang mahalin. Enjoy ako mag PDA sakanila! 🙂

At this part of this blog post, my truest friends already have an idea where I am coming from.

Ilang beses na sa buong buhay ko na may sumugod na kaibigan papunta akin. Sumugod para umiyak at humingi ng tulong.

Sumugod kasi sinasabi nilang hindi na nila kaya.

Sumugod dahil kailangan nila ng taong sasagip sa kanila.

Dito nag-simula ang pangarap ko…ang pangarap kong MAGING SUPERHERO.

Hindi ko makakalimutan nung una kong beses binanggit yan. May dalawang kaibigan kasi ako nung 1st year highschool na nagkatampuhan. Sa akin sila pareho nagsusumbong. Petty naman ng issue. High school eh. Well, hindi ko na nga matandaan kung anong rason bakit sila nag-away.

Noong alam kong mainit na ang labanan bigla kong sinabi, “Alam niyo, pangarap kong maging superhero. Sana tulungan niyo akong matupad ko yun! Huwag na kayong mag-away. Magbati na kayo! Ang mga superhero pinagbabati ang magkakaaway.”

Nagkabati sila kasi natawa sila sa akin. Ang corny ko daw. At least nagkabati sila diba? At salamat sa kanila kasi sila ang tumupad ng pangarap kong yun.

Akala ko yun na yun. Naachieve ko na siya, tapos na akong mangarap.

Sa pagdaan ng panahon, na-realize kong hindi pala duon natatapos ang misyon ko at katulad nga ng sabi nila,  “Once a superhero, always a superhero”.

Late last year, dalawa sa pinakamahal kong kaibigan eh dumaan sa pinakamabigat na punto ng buhay nila. Sa pagdaan nilang yun, sinamahan ko sila kasi pinilit kong sumama. 🙂

Epal noh? Haha. Kasi nga kapag supehero ka, may supernatural talent ka. Yun na siguro yung akin…ang pagiging epal.

Kahit ayaw nila ako sa buhay nila, nangungulit ako’t nagpupumilit, in the end narerealize namin pareho na may silbi pala talaga ako. Diba? 🙂

Bilang isang superhero (superfriend), ang sarap sa pakiramdam na makita silang mag-heal at maging ok. Para sa isang superhero (superfriend), yun na siguro yung best feeling ever! Kumbaga yung genuine smiles na nabibigay ko sakanila ang pumupuno ng power tanks ko, ng isang superhero (superfriend).

Salamat din sa kanila, sa inyo. You guys are my super-strength!

 

Life doesn’t give us purpose. We give life purpose. – The Flash

If there is nothing but what we make in this world, brothers…let us make it good. – Beta Ray Bill

You are much stronger than you think you are. Trust me. -Superman

The door is more than it appears. It separates who you are from who you can be. You do not have to walk through it…You can run. -Fantastic Four

You only have your thoughts and dreams ahead of you. You are someone. You mean something. -Batman

…When you decide not to be afraid, you can find friends in super unexpected places. – Ms. Marvel.