An Open Letter – 2/27 – Sa Nagmamahal Ng Sobra At Mahilig Umasa

Sinasabi ko naman sayo,
Hindi lang isa o dalawang beses.
Kundi paulit-ulit kang madi-disappoint ng mga tao sa paligid mo
Lalo na yung mga taong mahal na mahal mo

Maaaring hindi sila aware
Hindi nila alam na nasasaktan ka na pala nila
Ni wala sila kahit katiting na ideya

Sa huli’y naiisip mong kasalanan mo din
Ikaw din pala ang mali
Ang hilig mo managinip, mag-imagine
Ang hilig mong pangunahan ang lahat

Kaya sa susunod,
Huwag kang umasa
At huwag kang magmahal ng sobra

Ma-disappoint ka man,
Keri lang
Hindi ka maiiyak
Masasabi mo pang
“Ede move on!”

Advertisements

An Open Letter – 1/27 – Ebe Dancel

Dear Ebe Dancel,

 

I know you. I know you, your voice, your songs, your former band and your small hometown. I know you but you don’t know me. Mamaya na ako magpapakilala. I am writing this letter hindi para takutin ka, hindi para sabihing stalker mo ako o magpakilalang number 1 fan at sumigaw nang malakas ng “I love you Ebe!”. Alam ko namang nanay mo parin ang number 1 fan mo, number 58 lang siguro ako.

Ang una sa dalawamput-pitong bukas na liham ay isinusulat ko po para sa iyo. Marami kasi akong gustong sabihin.

Unang-una na diyan ang pasasalamat sa magaganda mong musika, mga letra. Ang daming hugot po eh. Isa-isahin ko yung mga paborito ko ha…

  1. Kay bilis kasi ng buhay, pati tayo natangay (Burnout)
  2. Ayoko nang magsorry, sawa na akong magsisi (Hari ng Sablay)
  3. Kung ayaw mo na ako, lecheng lalong ayoko sayo (Kung Ayaw Mo Na Sa Akin)
  4. Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan kapit ka sa akin. Hindi kita bibitawan (Huwag Ka Nang Umiyak)
  5. Samahan muna kita, dahil parang ayaw mong mag-isa (Kwentuhan)
  6. There goes your world on a train catch it cause it’s making it’s last trip (Fade Away)
  7. Hello, ‘di na kita naiintindihan, malabo na ba ang linya sa ating dalawa (Telepono)
  8. Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya, lumabas ako ng kwarto’t naroon siya (Kwarto)
  9. Dahil dito sa mariposa ay mahirap ang nag-iisa (Mariposa)
  10. At tayo’y sumayaw na parang di na tayo bibitaw (Prom)

Continue reading “An Open Letter – 1/27 – Ebe Dancel”

27 Open Letters

26 years na pala akong nabubuhay. In 2 days time, ice-celebrate ko na ang 27th birthday ko.

Very common na yung nagbo-blog  ka during or kapag malapit na yung birthday mo ng mga wish or mga pinagdaanan mo sa buhay.

Magbi-birthday na ako.
Gusto kong mag-blog.
I wanna share my story.
I want it to be different.

Ow. Wait. Parang familiar yan, Dawn.

Two years ago, when I was about to turn 25 at medyo naadik ako sa blogging, I planned to do 25 things before I turn 25 on the 25th of June. I planned, nag-attempt naman ako. Ayoko na atang balikan yung blog posts na yun at ayoko narin bilangin kung ilan yung mga nagawa at hindi ko nagawa. Feeling ko kasi mas marami yung hindi. Haha.

Binalak ko ding i-tweak at gawing “25 things to do while I am 25”, to kaya lang sinaniban ako ng katamaran.

So ito na nga, this year I want to be dIfFerEnT!

Dahil may mga ilang open letters narin akong pinost dito at parang nahihilig nga ako sa ganun, I will write 27 open letters. 27 open letters to 27 people I know. It doesn’t matter kung close kami o hindi. Yung pagpili ng susulatan, randomly. Bahala na ang Lord kung sinong gusto niyang sulatan ko whenever I feel like writing. Hindi pwedeng pipiliin ko kasi gusto ko siyang sulatan o gusto kong sabihing crush ko siya at gusto ko lang lumandi. I will also post the links on my facebook account pero hindi ko sila ita-tag.

Ikukwento ko rin sa blog posts kung paanong paraan ko nafeel na isa siya sa bwahaha maswerteng makakatanggap ng sulat ko.

So, goodluck to me! 🙂