An Open Letter – 5/27 – My Future Child

I always say that I am more excited to have a baby than to get married. It’s true! I always dream of becoming a mom. I also think of what my wedding gown would be, what my wedding song would be and some other wedding stuff but the feeling of excitement it gives me when I think of having my own baby excites me more.
And because of that, I am writing this open letter to my future child. (OW. WAIT! HINDI PO AKO BUTIS! Haha.)

Anak,

I know you will be appreciative because I will always remind you how important saying “Thank You” is.

I know you will be God-fearing. We will visit all the beautiful churches in the country and hopefully in the world. Please say your prayer in every church that we will visit. In God’s time, honey, your prayers will all come true.

I know you will be the friendliest kid in town! I will introduce to you the kids of my friends. You know I have a lot so yup, you will have a lot too. Also remember that losing friends means gaining truer ones.

I know you will love the mountains and the rivers. While you are still a baby, I will put you inside a basket so you can see how wonderful this world is as I hit the pedals of my favorite 2-wheeled vehicle. Soon, you will have your own bicycle too.

I know you will be a morning person. I will wake you up every single morning -early morning. Like I always say, most things are more enjoyable doing in the morning. We will do yoga first thing after you wake up to start the day right.

I know you will be kuripot and masipag. I will teach you how to save and invest so you can afford everything you need and want. I will teach you how to work hard and happy to get them! I’m not only talking about materials things. This is also about respect, trust and love.

I know you will be one of those brave kids who will be engaged in rallies. I will play Lupang Hinirang while you are still inside my womb. I will make sure it is one of the first songs that you will able to memorize. We will sing it together -loud and proud because that is the proper way to sing the Philippine National Anthem. Keep that fire burning, sabi nga kasi, “Alab ng puso Sa dibdib mo’y buhay”.

I know you will have a heart for the ARTS because there will be lots of paintings and books of short stories and poetries inside your room. I will give you artsy movie and theater play and concert tickets as birthday presents or just random rewards.

To my future child, I would name you Aurora if you’re a girl and if you’re a boy you would be named Andres.

I pray that you will be the person God wants you to be. You can be the person I want you to be but you can also ignore this letter.

Go ahead and be whatever you want to be. Shine the brightest in your own ways with your own identity.

Anak, life is hard as it is. Don’t take it very seriously. After all, that’s how it is supposed to be. Just do not make it harder for yourself!

If you would ask me to describe what life is, I would say that it is like a roller coaster. Do not worry, it will be a fun ride!

I am excited to meet you! You do not exist yet but I already have loved you. There’s this feeling of love in my heart that I am ready to give you unconditionally.

Love,

Mom

Advertisements

An Open Letter – 4/27 – Those Hearts That Pump Not Blood But Rainbows

Itong sulat na ito ay para sa mga confused, sa mga taong takot sa tatay nila, sa ayaw mahusgahan ng kapwa at sa matagal nang nag-aasam ng kalayaan.

Wait, para rin pala ito sa unang girl crush ko.

La Rose. Natatandaan ko pa yung pangalan mo saka kung saan ka nakatira. Kanina nga napadaan kami sa harap ng bahay niyo. Hindi ko lang alam kung doon ka pa rin nakatira kasama ng mama at mga kapatid mo.

Schoolmates and magka-service tayo noon. 2 years ang tanda mo sa akin. Grade 6 ka tapos ako Grade 4 lang. 1 year ka lang ata sa school. Transferee ka. Ako naman after that school year lumipat na.

Noong bata ako, mahiyain at the same time masungit ako. May mood din naman na sobrang daldal. Medyo bipolar. Ano, natatandaan mo na?

Sa lahat ng ka-service ko pauwi, ikaw ang gusto ko laging tinatabihan at dinadaldal. Yung iba kasing bata medyo iba na ang amoy saka nanguubos ng baon. Ikaw, laging mabango. May pulbos ka pa nga sa leeg. May bimpo ka rin sa likod. Saka your face was pleasant to look at! Lagi ako nakatingin sa mukha mo. Pero ang alam ko noon, hindi ka sobrang ganda kasi hindi ka naman muse sa klase niyo.

There was one time na nakatingin lang ako sayo. Kaharap kita. Nakahawak ako sa railing ng school service. Ikaw, nakatalikod sa driver, nakaharap sa akin, nakatingin sa labas.

Anong iniisip ko nun? Hindi ko na matandaan. Ang alam ko lang CRUSH KITA! That exact moment, alam kong hindi ako kagaya ng ibang Grade 4 na babae.

La Rose, hindi ko nadin matandaan kung nagkaroon ako ng heartbreak because of you. Parang wala naman ata. Hindi ko din maalala kung ano na nangyari after that. Noong lumipat na kasi ako ng eskwelahan, lalaki na yung crush ko (who later on became my first boyfriend).

Wala akong pinagkwentuhan ng paghanga ko sayo. TAKOT KASI AKO. Takot sa iyo na baka lumayo ka, sa mga ka-service natin na baka pagtawanan ako, takot ako magkwento sa nanay ko baka matakot siya na baka kakaiba ako, TAKOT AKO SA LIPUNAN.

Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit nakakatawa yung ganoong setup eh humahanga lang naman kami, nagmamahal. Hindi naman kami pumapatay ng tao. Hindi ba mas nakakatawa yun dahil mas mali ang pumatay?

Kaya para sa mga confused, sa mga taong takot sa tatay nila, sa ayaw mahusgahan ng kapwa at sa matagal nang nag-aasam ng kalayaan, HUWAG KAYONG MATAKOT. Huwag matakot na ipakita kung ano talaga kayo.

Kung kasalanan sa Diyos ang hindi pagiging straight na babae o lalaki, edi kasalanan! Wala naman taong walang kasalanan. Masaya ang magmahal. Masarap magmahal. Sabi nga sa bibliya, Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins. (1 Peter 4:8)

Ang rainbow hindi lang sa skies makikita. Tingnan mo yung puso ko at puso mo, makulay diba? Okay lang yan! Wala ka namang dapat ikatakot diba nga LOVE ALWAYS WINS?!

Loud and proud,
Carmela Dawn Abas
 

An Open Letter – 3/27 – President Rodrigo Duterte

Dearest Mr. President,

 

How’s your first day so far, Sir? Ako po, I just got back to work today. May sakit po kasi ako kahapon. Now, I feel better. Kailangan na pong pumasok kasi maraming nakabinbin na trabaho. Ganun po talaga siguro kapag mahal mo yung ginagawa mo, mas hindi ka mapapalagay kapag hindi mo sila nagagampanan, natatapos nang maayos at nagagawa nang tama.

Pakiramdam ko po ganito din kayo magtrabaho. Yung ibibigay niyo ang buong puso niyo. Kahit magkasakit na kayo, masaktan physically and/or emotionally, you still find happiness in what you do. You love what you do. Na-inspire po ako sa speech niyo kahapon. Sabi niyo pa nga po, “I am here because I am ready to start my work for the nation.” Excited na po kayo? Ako rin po, excited na akong mag-ingress!

Ngayong araw din po at habang isinusulat ko ang liham ko para sa inyo, nakasuot po ako ng Davao T-shirt. Kung sakali po kasing makita niyo ako sa daan ngayong araw, maaalala niyo po ang pagmamahal niyo para sa Davao City, na kung napaglingkuran niyo po siya nang maganda, nawa’y ganun din po ang gawin niyo sa buong bansa.

I have been to Davao three times na po. Nasaksihan ko ang ganda at ayos ng pamamalakad ninyo.

Maraming salamat po. Pinaramdam niyo po sakin na safe ang buong siyudad. Hindi po ako nakaramdam ng takot sa gabi-gabi kong pag-uwi sa loob ng isang buwang paninirahan ko doon.

Mababait po ang mga Davaoeno lalo na po yung mga taxi driver. Salamat dahil tinuruan niyo silang magsauli ng mga gamit kapag naiiwan ng mga pasahero at magbalik ng sukli kapag sobra ang ibinayad.

Talaga pong madayaw ang Kadayawan Festival! Salamat po dahil kahit may liquor ban (sige isama na natin ang smoking ban) kayo na ipinatupad, hindi ito naging sagabal sa pagsasaya ng inyong mga kababayan. Alam ko pong ipagpapatuloy ni Mayor Sarah ang nasimulan ninyo.

Salamat din po Mr. President sa pagsuporta mo sa iba’t-ibang grupo ng kababaihan sa Davao noong nanunungkulan pa kayo.

Na-touch din po ako noong malamang nagpapadala kayo ng mga pagkain sa mga kapatid nating Lumad.

Prinotektahan niyo rin po ang mga magsasaka sa Kidapawan. Maraming salamat po, sir.

Hanga po ako sa mga nagawa ninyo bilang isang lingkod. Gusto ko lang din po pala sabihing hindi po kayo ang ibinoto ko noong nakaraang eleksiyon. 🙂 Naniwala po kasi ako sa “girl-power”. Miriam-Leni po kasi ako.

You have your flaws, opo.

Nalulungkot po ako kapag nababalitaan ko pong nagbago kayo bigla-bigla ng desisyon. Hindi po kasi ako natutuwa sa mga fickle-minded na mga tao. Kahit sayo pa nanggaling yung mga salitang “Changing the rules when the game is on-going is wrong!”

Nagulat din po ako sa issue with Ate Mariz Umali. Iba po ang paggalang niyo sa mga babae pero feeling awkward po kasi sila minsan kapag malagkit po yung tingin niyo sa kanila o binibiro niyo po sila.

Nobody is perfect, ilang beses na nating narinig yan. Alam ko pong hindi ka perpekto. Kami rin po, Mr. President. Hindi rin kami perpekto.

May mga oras po na hindi namin kayo maiintindihan. May mga pagkakataon pong hindi namin mauunawaan ang inyong mga palakad. Pagpasensiyahan niyo na po, sir.

Pasensiya narin kung hindi kami makakasunod agad. Kailangan lang po siguro naming matutunan ang mga galawang #Du30.

Masyado pa pong maaga sabihin pero may mga kabi-kabilang pagaaklas at pagrarally po na mangyayari. Patawarin niyo po pero gusto lang po naming marinig niyo kami. Marami lang pong isinisigaw ang mga puso namin eh tutal sabi mo naman “We have to listen to the murmurings of the people, feel their pulse, supply their needs and fortify their faith and trust in us whom they elected to the public office.”

Mr. President, noong nagbigay galang po kayo sa mga tao sa pamamamagitan ng pagyuko ng ulo niyo po noong pagkatapos I-announce na kayo na ang bagong pangulo ng Pilipinas, alam ko pong darating na ang inaasam na pagbabago, nagkaroon po ako pag-asa, naramdaman ko po ang pagmamahal.

Hindi ko man po kayo sinoportahan noong eleksiyon, huwag po kayong mag-alala dahil kasama niyo po ako ngayong nakaupo na kayo.

Handa na po ako sa byahe. Kakapit po ako nang mahigpit. Hindi po ako bibitaw. Sana Mr. President…kayo rin po.

 

Love,
Dawn