An Open Letter – 6/27 – Anyone being bullied

“HOW TO BE YOU PO?”

Usong-uso yan, ano po? Nabasa ko na yung kwentong isinulat mo. Naintindihan kita at ayokong tanungin ka ng tanong na isinulat ko sa itaas. Ang gusto kong malaman mo at gusto kong sabihin sa iyo eh.. “I HAVE BEEN YOU!”

Ganyang-ganyan din ako. Yung mga tanong na “BAKIT? “BAKIT AKO?” “ANO BANG GINAWA KO?” “INAANO KAYO?” “MAY MALI BA SA AKIN?” pamilyar diba? Pinapraning ka rin ba ng mga tanong na yan? I know these questions consume you at ang pakiramdam mo eh parang kinakain ka nang buo, walang itinitira kahit manlang on fleek na kilay mo.

I know the feeling. I can relate. I have been you.

Hindi ko masabing na-overcome ko na yang kapraningan na yan. Hindi ko masasabing hindi na ako naaapektuhan kapag naririnig kong tumatawa yung ibang tao kasabay nang pagbanggit nila ng pangalan ko. Hindi ko masasabing hindi ako nasisilaw kapag pilit nilang itinatapat sa akin ang spotlight.

Nasasaktan parin ako. Minsan napipikon din. Umiiyak pa nga ako sa loob ng banyo. Umiiyak yung puso ko, tapos masakit yung dito sa parte na ito ng dibdib ko.

May mga tao talaga who will try to put us down…ibabaon tayo sa pinakailalim ng lupa. Didikdikin tayo na parang….. Eh ayoko na magsalita.

Eventually kasi, na-realize kong hindi ko naman maiiwasan yun. Ganyan talaga eh. Ganyan talaga ang buhay. We have to live with it! Pero hindi natin dapat hayaang umikot ang mundo natin sa kanila.

We have to focus on ourselves, on our own happiness. Nandiyan lang yang mga yan, magpapakilala, kalaunan makikilala naman natin ang totoong sila pero hindi ba mas magandang mas makilala muna natin yung sarili natin bago ang iba?

Unti-unti ko nang nakikilala yung sarili ko. Masaya siya! At ikaw kesa umiyak ka sa unan mo, tumingin ka sa salamin tapos ayusin mo yung eyeliner mo kasi muka kang multo kapag umiiyak. 🙂

BE YOUR OWN PUSHER! Tulungan mo mismo yung sarili mo. Wala namang ibang unang makakatulong sayo kung hindi ikaw din.

NEVER ESCAPE! Huwag mong takasan ang mga sitwasyong tumutulong sayo para makilala mo pa lalo ang sarili mo. Huwag mong pakawalan ang mga pagkakataong tumutulong sayo para matuto. It may be a hard way! Sorry na daw sabi ni Lord, wala naman daw kasing ibang tamang paraan eh!

UNDERSTAND. Hindi natin alam na the same people who are bullying us are being bullied by others too. Binigyan tayo ng special gift eh. Understanding naman daw kasi tayo kaya tayo na yung umintindi.

BE YOU. If you are being bullied for being you, huwag mo icompromise yung pagiging totoo mo sa sarili mo. Stand for what you believe in. Stick to your values. Make your own choices.

LIVE YOUR LIFE THE WAY YOU WANT IT. Hindi ko nga magets dati yung sinasabi nila na “YOU CAN’T PLEASE EVERYONE!”Ang lagi ko sinasabi, “YOU DON’T HAVE TO PLEASE EVERYONE!” Wala naman kasi talagang point. Para saan ba?

NEVER COMPARE YOURSELF TO ANYONE. Alam mo bang mali yung mga nanay natin kapag sinasabi nilang “Tingnan mo yung bulag anak, buti ikaw may mata. Siya, hirap na hirap.” “Tingnan mo yung pulubi anak, buti ikaw may kinakain. Siya, kawawa.” “Tingnan mo yung magnanakaw na yun, bad sila.”

Mali yun. Mali kasi na ikumpara natin yung sarili natin sa ibang tao kahit ang gusto naman talaga ng mga nanay natin eh maramdaman natin na “mas blessed” tayo kaysa sa ibang tao. Bakit mali? Kasi duon nagsisimula ang JUDGMENT. Hindi natin dapat tinitingnan ang kababaan ng isang tao para lang maramdaman natin sa mga sarili natin na mataas tayo! Hindi natin kailangang pagtawanan ang ibang tao para lang maging masaya tayo!

Kaya tinigilan ko na din ang pagsasabing “Be the better person!”

DON’T BE THE BETTER PERSON, BE THE BETTER YOU!

I have been you. I have been in that exact same situation and there are times that I still feel unwanted and rejected. Okay lang yun, masaya nga eh, kasi alam kong at the end of this, bagong character ko na naman yun lalabas…yung makikilala ko. Para lang akong Pokemon na nageevolve!

Advertisements