An Open Letter – 9/27 – My favorite couple

I was paranoid. I started to have trust issues. I was emotionally unstable. I was starting to ask myself, “Why?” “Why me?” “Why are these people talking about me?”

Ang hirap te! Para akong nakasakay sa bangkang halos mamatay na ako kakasagwan. Lumubog yung bangka te! Hindi ko na kinaya yung alon. Pumailalim kami duon sa pinakailalim na parte ng dagat. Anuba te!!!

I felt helpless.

Hindi ko namam kasi talaga alam saan nanggaling at paano nagumpisa.

Pero may isang eksenang sumabay ako sa inyo papasok sa opisina.

D: Dawn, bakit ka late?

Nagtaka ka. Hindi naman kasi ako sumasabay sa inyo. Sanay kang pumapasok ako ng alas otso ng umaga.

Me: Wala akong bike eh.

Yun lang nasabi ko pero gusto ko pa sana magkwento…”Umulan kasi kagabi. Iniwan ko bike ko sa office tapos napasarap tulog ko kaninang umaga kaya nalate yung gising ko. Naglinis din ako konti ng bahay. Gusto ko na sumabay sa inyo kaya nandito ako. Pasabay sa kotse mo ha!”.

Pero hindi naman ganoon kahaba yung naging litanya ko. Pagkatapos kong sabihing wala akong bike, nagkatinginan kayo tapos nagkaroon ng sariling mundo.

Sanay naman na ako diyan. Natural, magjowa kayo eh! Minsan nga diba ako pa yung umiiwas. Sinasabi ko pa “Magdate nga kayo ng kayo lang!”. Minsan tinatakasan ko din kayo. Kayo pa nga yung naggagalit-galitan.

Noong umagang yun iba yung ihip ng hangin at the stars were not properly aligned.

“Bakit niyo ko pinaguusapan?”…ang mga salitang nabuo sa utak ko.

Pagkatapos ng ilang sunod-sunod na araw parang nagkaroon ng pader sa pagitan ko at ninyong dalawa. Magkasama kayo sa kabila. Naiwan ako mag-isa.

Iba pa naman ako managinip. Minsan akala ko totoo. Isang gabi habang tumataas yung pader sa gitna natin at may unan na nagdidivide sa king size bed na tinutulugan natin, nanaginip ako. Habang naglalakad daw ako palapit sa mga tao wala silang ibang ginawa kundi ang pagusapan ako.

Nagising ako sa kalagitnaan ng tulog ko. Naiyak nalang ako.

Pagkatapos pa ng ilang gabi naulit yung ganoong panaginip. Malinaw na ang mga mukha. Nandun ka at si Ms. I. Nakasalamin ka pa nga eh. Baka irritated ulit yung eyes mo katulad noong sinabi mo sa akin nung isang araw.

Pumasok daw ako isang kwarto kung saan nandun kayo. Nakita niyo ako. Tumingin kayo sa isa’t-isa, nagbulungan tapos tumawa.

Hindi na ako umiyak. Nagising lang ako at hindi na nakatulog ulit. Ang bigat sa puso te!

During event noong umagang yun, natarayan ko si J kasi nawala noong kausap niyang taga SM yung permit. Right after the incident, I regret what I did! Nag-sorry ako.

More than dahil nasaktan ko siya nag-sorry ako dahil baka kung anong isipin niya about me. Baka mapagusapan na naman ako katulad dati.

Noong Lunes, pasakay ako sa MRT may biglang humawak sa balikat ko. Dati naman ang initial reaction ko kapag ganito, tinitingnan ko lang siya para alamim kung sinong kumakausap sakin. This time, iba! Hinawakan ko agad yung bag kong wala namang importanteng laman, iniwasan kong tumingin sa mga mata ni manong. Kinakausap ko naman siya pero nagmadali akong lumakad palayo sa kanya.

Noon lang nag-sink in lahat. Lahat-lahat! Oo nga, mag-ingat tayo sa mga mandurukot at budol-budol pero wag naman halata te! Huwag naman masyadong bastos!

Na-realize ko yung kapraningan ko that whole week.

Kaya that Monday night I asked you guys for a date night. Actually si Monica yung nagyaya mag brownies in behalf of me. Haha. Nagpatulong kasi ako sa kanya.

I am more than glad you were ready to pick me up again. Sabi niyo pa nga “Welcome back!” habang ipinapaubos niyo sakin yung sangkatutak na dimsum.

I am happy I’ve got friends na maiintindihan ako magbungguan man lahat ng stars ko o kaya maglabo-labo man lahat ng chemicals sa brain ko o atakihin man ako ng lahat ng anxieties sa mundo o kaya iba-iba man ang episodes na ipalabas ng Dawn Productions kada araw.

To my favorite couple, thank you. Some things are better left unsaid, I know pero pwede nating pagusapan. Ready na ako.

Love,
Your 3rd wheeler
Dawn

Advertisements

An Open Letter – 8/27 – Sa Matatapang at Nagtatapangtapangan

Itong sulat na ito ay para sa mga taong naniniwalang matapang ako.

“Dawn, mag-isa ka lang dito? Ang tapang mo!”

“Hindi ka ba natatakot magbike sa EDSA?… Ang tapang mo!”

“Sa opisina ka natulog? Ang tapang mo!”

“Sinugod mo yung sarili mo mag-isa sa ospital? Ang tapang mo!”

“Ate Dawn, takot po ako sa inyo kasi matapang daw po kayo!”

Naniniwala naman ako na matapang ako. Marami akong kinatatakutan dati na over time eh na-overcome ko na. Kakaibang katapangan din pala meron ako. Basahin mo ulit yung huling sinabi sa akin ng kakilala ko.

Isang batang babae ang naringgan kong nagsabi niyan. Sa kanya nga nanggaling pero kung iisipin mo, mayroon pang pinanggalingan. “DAW”.

Sa aking mga kapatid sa loob o labas ng pamilya ko, alam kong sanay na sanay na kayo sa pagtataray ko pero minsan nagdadamdam parin kayo, ano?

Ate ako. Kapag nakakakita ako ng mali sa mga ginagawa niyo, papagalitan ko talaga kayo…KASI AYAW KO KAYONG NAPAPAHAMAK!

Kaya nga ako ATE eh, ako yung unang ipinanganak para ituro sa inyo ang pagkakaiba ng tama sa mali, yung mga nagawa kong tama at nagawa kong mali.

Ang daming kapalpakan at katangahan ang ipapaexperience pa ng life sa inyo. Wala na naman sanang gayahan pa.

ATE ako and I have to be STRONG because strong ATEs stand up for their baby brothers and sisters.

Kahapon sa pagdinig sa senado, naiyak si General Bato. “Hindi ko na po alam ang gagawin ko!” Sabay hagulgol. Hindi ko akalaing magagawa niyang umiyak sa harap ng mga taong dapat niyang prinoprotektahan.

Nagulat ako pero hindi naman ito naging dahilan para bumaba ang tingin ko sa kanya. Sabi nga ni Johnny Depp, “People cry not because they are weak. It’s because they’ve been strong for too long.”

Tama din naman. For me, a strong person is someone who experienced fear. 

Sabi ko nga, marami akong kinakatakutan dati. Takot ako sa kulog at kidlat, takot ako sa truck sa EDSA, takot ako sa baliw, takot ako sa fetus, takot ako sa ahas, takot akong mamatay, takot akong mag-isa, takot akong magmahal, takot akong masaktan. Takot akong makasakit. Takot akong makaramdam ng takot.

Ngayon, hindi na. Hindi na masyado. Maraming salamat sa mga naniniwalang matapang ako. Aanuhin ko ba naman kasi yung mga takot na yan? Ako lang naman ang gagawa ng sarili kong monster. Narealize ko din na wala naman na akong ibang choice kung hindi maging matapang nalang.

At sa mga taong nasungitan, natapangan, natarayan, nasigawan ko, katulad nga ng sinasabi ko lagi sa mga kapatid ko..”Huwag kayong magtampo kay ate pag pinagagalitan kayo, it’s love…TOUGH LOVE!:

Because you know, tough love thrives in strong hearts of tough and strong people.