An Open Letter – 8/27 – Sa Matatapang at Nagtatapangtapangan

Itong sulat na ito ay para sa mga taong naniniwalang matapang ako.

“Dawn, mag-isa ka lang dito? Ang tapang mo!”

“Hindi ka ba natatakot magbike sa EDSA?… Ang tapang mo!”

“Sa opisina ka natulog? Ang tapang mo!”

“Sinugod mo yung sarili mo mag-isa sa ospital? Ang tapang mo!”

“Ate Dawn, takot po ako sa inyo kasi matapang daw po kayo!”

Naniniwala naman ako na matapang ako. Marami akong kinatatakutan dati na over time eh na-overcome ko na. Kakaibang katapangan din pala meron ako. Basahin mo ulit yung huling sinabi sa akin ng kakilala ko.

Isang batang babae ang naringgan kong nagsabi niyan. Sa kanya nga nanggaling pero kung iisipin mo, mayroon pang pinanggalingan. “DAW”.

Sa aking mga kapatid sa loob o labas ng pamilya ko, alam kong sanay na sanay na kayo sa pagtataray ko pero minsan nagdadamdam parin kayo, ano?

Ate ako. Kapag nakakakita ako ng mali sa mga ginagawa niyo, papagalitan ko talaga kayo…KASI AYAW KO KAYONG NAPAPAHAMAK!

Kaya nga ako ATE eh, ako yung unang ipinanganak para ituro sa inyo ang pagkakaiba ng tama sa mali, yung mga nagawa kong tama at nagawa kong mali.

Ang daming kapalpakan at katangahan ang ipapaexperience pa ng life sa inyo. Wala na naman sanang gayahan pa.

ATE ako and I have to be STRONG because strong ATEs stand up for their baby brothers and sisters.

Kahapon sa pagdinig sa senado, naiyak si General Bato. “Hindi ko na po alam ang gagawin ko!” Sabay hagulgol. Hindi ko akalaing magagawa niyang umiyak sa harap ng mga taong dapat niyang prinoprotektahan.

Nagulat ako pero hindi naman ito naging dahilan para bumaba ang tingin ko sa kanya. Sabi nga ni Johnny Depp, “People cry not because they are weak. It’s because they’ve been strong for too long.”

Tama din naman. For me, a strong person is someone who experienced fear. 

Sabi ko nga, marami akong kinakatakutan dati. Takot ako sa kulog at kidlat, takot ako sa truck sa EDSA, takot ako sa baliw, takot ako sa fetus, takot ako sa ahas, takot akong mamatay, takot akong mag-isa, takot akong magmahal, takot akong masaktan. Takot akong makasakit. Takot akong makaramdam ng takot.

Ngayon, hindi na. Hindi na masyado. Maraming salamat sa mga naniniwalang matapang ako. Aanuhin ko ba naman kasi yung mga takot na yan? Ako lang naman ang gagawa ng sarili kong monster. Narealize ko din na wala naman na akong ibang choice kung hindi maging matapang nalang.

At sa mga taong nasungitan, natapangan, natarayan, nasigawan ko, katulad nga ng sinasabi ko lagi sa mga kapatid ko..”Huwag kayong magtampo kay ate pag pinagagalitan kayo, it’s love…TOUGH LOVE!:

Because you know, tough love thrives in strong hearts of tough and strong people.

Leave a comment