An open letter – 27/27 – To The First and Last Man I Will Ever Love

Okay. I get it. I do not learn well the easy way. Aminado naman ako. Hindi ako natututo kung hindi ako nauuntog, tumatambling, nasusuntok, nabubugbog, nasasaktan. What works for me? LEARNING THINGS THE HARDEST POSSIBLE WAY.

And I think 2018 will be a year of lessons and learnings… a year of relationships and relationshits.

Naniniwala naman ako na hindi nagg-grow ang isang tao kung hindi siya nawawalan ng kaibigan [o mahal sa buhay]. Mushy-mushy kayo noon pero di na kayo nag-uusap ngayon, meron o wala man kayong pinag-awayan. You lose some. You gain some. You gain great friends. You even lose greater ones. May mga seasonal lang talaga na mga tao. Huwag niyo na ipilit na ibalik yung dati kasi hindi na magiging healthy. Hanggang dun na lang talaga ‘yun. TAPOS NA YUNG SEASON NIYA SA BUHAY MO, TAPOS NA YUNG PURPOSE NIYA SA’YO.

I am grateful for those moments I had with them. Ang dami kong kaibigang bigla nalang… nawala..nawala na. Those great great friends na I had great memories with. Eh ganun talaga, tatanggapin ko nalang.

Kaya seize every single moment na kasama mo sila, habang nandiyan pa sila, habang ‘season’ niyo pa. They maybe your friends, colleagues, family, loved ones, the one!

Early this year kasi, may isang bagay na nagparealize sakin na meron palang lalaki na pwedeng magmahal sa akin nang buo, puro, totoo, at walang kondisyon.

AND TO THE GREATEST MAN IN MY LIFE YOU ARE THE FIRST AND LAST MAN I WILL EVER LOVE. THANK YOU…

1. FOR MAKING ME YOUR PRIORITY! (NEVER AKO NAGING OPTION 2.)
For you it is always me / us first. Family’s first! Thank you. Minsan nga inuuna mo pa ako kesa sayo. Naalala ko inihahatid mo parin ako sa eskwela sa umaga kahit late na late ka na sa opisina. Gusto mo akong ihatid kasi ayaw mo akong mag-commute.

2. BECAUSE YOU ARE PROUD THAT I AM YOUR GIRL!
Natutuwa yung puso ko kapag nalalaman kong kinekwento mo ako sa mga katrabaho, kapatid, kapitbahay, sa lahat ng taong nakakasalubong natin sa daan. Kulang nalang ipaglagay mo ako ng tarpaulin sa labas na bahay natin.

3. COZ YOU MISS ME SO BADLY.
Lagi mo daw akong hinahanap. Salamat dahil lagi mo akong naaalala.

4. BECAUSE YOU WOULD DO ANYTHING FOR ME.
Hindi mo kaya pero kinakaya mo. Lahat ginagawa mo. Maraming salamat!

5. BECAUSE YOU WANT TO BE CLOSE TO ME.
Nagtampo ka daw nung hindi kita nadalaw nung naospital ka. Pasensiya na po. It breaks my heart too.

6. FOR MAKING SURE THAT I AM SAFE.
Gabi-gabi mo akong sinusundo sa kanto kahit antok na antok ka na. Minsan nakita kitang nakatulog na kakaintay, naluha ako noon. Ang dami-dami mong sakripisyo.

7. FOR TRYING TO CATCH UP.
Nakakatuwa, sinusubukan mong alamin yung mga nangyayari sa araw-araw ko. Kinukumusta mo yung mga kaibigan ko. Inaalaman mo kumusta ba ako.

8. BECAUSE YOU WANT THE BEST FOR ME.
Ayaw mo akong turuang mag-drive kasi sabi mo hindi mo na natatandaan yung ibang traffic signs. Gusto mo magaling yung magturo para gumaling din ako. You simply want the best for me.

9. BECAUSE YOU GIVE ME SPACE WHEN I NEED IT.
Kapag natutulog o nagpapahinga o nageemo ako sinasabihan mo yung mga kapatid ko ng “Huwag kayo diyan, nandiyan si ate.” Ikaw din, kapag feel mong ayaw ko ng kausap, hindi mo ako kinukulit. Salamat.

10. FOR LOVING ME UNCONDITIONALLY.
MAHAL MO AKO…WALANG KAPALIT, WALANG KONDISYON.

AT THE END OF THE DAY, WE WILL ALL REALIZE THAT FAMILY LOVE IS GREATER THAN ROMANTIC LOVE.

As I said, I almost lost him. I almost lost my great man, the first and last man I will ever love. Now I am telling the whole wide world…

I love you, TATAY DANTE! 🙂

PS.
Tay, kilala mo na si Grace diba? Hindi man ako makasal, may makakasama naman ako pagtanda. 🙂

-Your daughter,
CARMELA DAWN ABAS

Advertisements