Unsure

A lot of times I push you away

Many times I pull away

And now I am walking away.

I suddenly became unsure

Of what I thought I was certain

Don’t ask me why

I’ll only tell you why not.

I can finally say

FINALLY!

Oh yes

Or maybe no

I don’t know.

I am still not sure.

Advertisements

Crowd

Hindi mo naman mararamdaman masyado yung lungkot kapag mag-isa ka. Ang pinakamasakit, kapag napapalibutan ka ng maraming tao. Masakit, kasi ni isa sa mga mukhang yun, hindi mo makita yung kanya. Maraming boses kang naririnig pero hinahanap mo yung tinig niya. Ang daming nakatitig sayo pero mga mata lang sila. Hindi siya parte ng bungkos ng mga taong yun. Daan-daan sila pero yung isang kailangan mo eh W – A – L – A!

Kumusta?

Ilang beses pa ako magsisinungaling

Sa pagsagot ng “Okay lang”

Sa bawat pagbato mo ng tanong na “Kumusta ka?”

Ilang beses pa itatago ang mga patak ng luha sa likod ng mga ngiti at tawa

Ilang beses pa akong aasa na makikita ka sa huling lugar kung saan kita iniwan?

Mas gusto ko pang biruin ang sarili ko na ayos lang ang lahat.

Wala ka rin naman magagawa.

Wala kang gagawin.

Wala ka ngang ginawa noong mga panahong sinasabi kong kailangan kita.

Mas madaling dayain ang mga salita kesa paulit-ulit ipaalala sa sarili na hindi ako masaya sa pagtatanong mo ng ‘Kumusta?’