Sunday’s Best 0010

June 17, 2018

  • This is it!

Sabi nga ni Norris, nag unfold na yung exciting part ng life story ko. I feel blessed knowing na the Lord can correct the wrong decisions I have made in the past and gaano Niya parin kamahal yung taong nagkasala.

  • FEAST

Workaholyc yung topic. Tamang-tama naman sa pagbabalik opisina ko. Woooh. Good luck to me.

  • My Prayer Warriors

Ang sarap sa pakiramdam na you are surrounded by people who never judge. You girls, rock! I love you!

Advertisements

Sunday’s Best 0009

June 10, 2018

  • Lola Edna’s 84th Birthday

Days before her real birth day which was on June 6, we found out that she’ll be turning 84 palang this year and mali yung computation niya na 85. Haha. Grabe pala talaga pag tumatanda na.

Akalain mong naging smooth pa yung celeb. Haha. Tamad na tamad talaga akong iorganize yun. Wala talagang 100% yung effort ko. (Kasi nga ang dami kong feels). Sabi ko next year naman 85 kaya yun dapat ang bongga!

Ang point naman ng araw na to is to celebrate her long life with her apos, anaks, sisters and friends. Ang dami niyang apo sa tuhod grabeee!

Lord, we thank You for this life. Totoo ngang humahaba ang buhay ng lola o lolo kapag maraming apo.

  • Patience not Paranoia

Tinuruan akong mag-hintay at magtiwala.