Matapang

Duwag daw ako.
Bakit daw ba hindi ko siya ipinaglaban
Bakit daw hinayaan ko na lang
Ang sa akin kasi,
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon katapangan ang kahulugan ng pakikipaglaban
At para sa akin
Pagmamahal din ang ibig sabihin ng pagpapalaya

Advertisements

Tagal

Matagal na noong huli tayong nagkita
Matagal narin akong naghihintay
Matagal-tagal pa ito
Matagal pa kitang mamahalin

My Feast Story

“Hala! Paano ba makipag-usap kay Holy Spirit?”

These are the exact words na naglililikot sa isip ko noong mga una akong umattend ng The Feast, 2018. Marami akong struggle sa buhay pero dumagdag pa ito. Paano ba makipag-usap sa ibong may kagat-kagat na dahon?

Nakakatawa ba? Pakinggan mo itong kwento ko, matutuwa ka.

Isang taon na mula noong dinala ako ng mga paa ko sa Deeper: Holy Week Retreat ng Feast. Napunta ako dito dahil nawawala ako. Ito yung mga panahong hindi ko na kilala yung sarili ko, ito yung mga panahong hindi ko na kilala kung sino ang Diyos ko.

Lahat tayo may tinatawag na “bad morning” “bad day” “hell week”, Last year, I hit my rock bottom! I engaged myself to casual sex, homosexuality, alcohol. Hindi ako nagpapakita sa bahay namin, hindi ako umuuwi, nagtanim ako ng sama ng loob sa mga tao, nakasira ako ng mga relasyon, mga relasyon na akala ko masaya, sumaya ako pero sandali lang, sumaya ako pero ako lang. Sumaya ako pero may nasaktan ako.

I attended the following Feast services na laging umiiyak dahil gusto ko nang makaalis sa sitwasyon na ‘yon. Humingi na ako ng tulong!

The first words I heard from the services were tailored fit. I remember Bro Audee preaching about Pain and Progress. The place of your greatest pain is also the place of your greatest progress! God can turn that pain into progress and that garbage into gold!

Nangumpisal ako, umattend ako weekly ng The Feast at ng LG group meetings ko, kumatok ako Sa Kanya, binuksan ko ang sarili ko sa mga posibilidad. Sabi ko, LORD, BAHALA KA NA!

Continue reading “My Feast Story”