‘Parasite’ Movie Review

I had not really stopped thinking about the movie Joker since I watched it a few weeks ago. I also had not stopped talking about it and recommend it to friends until…. my eyes laid on this beautifully crafted film – PARASITE!

Okay. Mag-tagalog na tayo, girl!

GENRE
Iilan lang ang napanood kong pelikula na para akong dinadala sa iba’t-ibang emosyon habang nagpapalit ng eksena. Hindi ko ma-identify kung tinatakot ba ako nito, pinakakaba, pinatatawa, pinaiiyak o pinatatakip ang isang mata dahil may konting SPG!

It is a multi-genre film. Isasakay ka niya sa roller coaster pero pagkatapos ng ride ay nakangiti mong sasabihing “isa pa, hindi naman nakakahilo”

ACTING, DIRECTING AND CINEMATOGRAPHY
Nakagawa ako ng ilang theater play scripts dati. Isa sa mga “SANA” ng isang scriptwriter ay mabigyang hustisya ang kwentong ginawa niya sa tulong ng akting ng mga artista at pagdidirehe ng direktor. I did my own research and Parasite was directed and written by Bong Joon-ho. Siya rin yung nag direk ng Okja. No wonder, ang ganda-ganda ng Okja!

Grabe ang creativity ng tao na ito! Magaling siyang kwentista! His masterpeices are reflections of reality. Kaya niyang pagalawin yung utak at puso mo nang sabay, nang nasa ritmo.

Acting and cinematogtaphy- nakatulong ng napakalaki sa pagpapaganda ng pelikula! Hindi lang nila nabigyan ng justice yung kwento, AWARD-WINNING TEH pang CANNES!

MY MAJOR TAKEAWAYS

1. “She’s rich BUT she’s nice!”
Hindi lahat ng mayaman ay mean at hindi lahat ng mahirap ay nice! Pero daig parin talaga ng mautak ang mapera. Kung mautak ka kaya marami kang pera, eh good job. Sana lang eh masaya ka!

2. Malaki ang pagkakaiba ng mayaman at mahirap. Yung mga nasa taas ayaw bumaba, bakit nga ba eh nasa taas na sila? Yung mga nasa baba lahat ng paraan gagawin para mapunta sa taas. Pero ang problema sa atin minsan, itong mga nasa baba ang mahilig mag-away. Naghihilahan imbis na magtulungan kaya sa huli ayun, sa parehong pwesto lang sila napupunta -sa ibaba.

3. The deprived would always be working for the wealthy. This will never ever change.

4. Iba ang nagagawa ng pagmamahal ng isang magulang para sa anak.

5. PLANO. Kung gusto mong may marating ka mag-plano ka. Hindi natatapos ang pangarap sa mga imahinasyon lang. Tinutupad ito. Pinagsusumikapan.

6. Sounds cliché pero hindi mabubura ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Kapag kinukutuban ka nang sasabit ka, aminin mo na! The truth will set yourself (and your sanity) free!

7. We are all parasites. One time or another, sinasadya man natin o hindi, naging parasitiko tayo. Biglang nawawala na yung mga taong tinulungan tayo. Asan na? Wala na. Kinain na natin nang buo.

8. Downy ang sagot sa kulob!

—-

Joker and Parasite are the best films I have seen this year. When someone tells you na ang ganda ng mga pelikulang ito, maniwala ka. Kung gusto mong panoorin, halika dito sa bahay dali. Dala kang Udon. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s