Minsan ka nang nawala sa isip ko

image-1SM Megamall Building A. Second floor. January 2, 2014.

After the first working day of the year, I went straight to the nearest mall to… actually di ko na maalala. Basta ang alam ko mag-isa lang ako nito, naggagala lang sa loob ng Megamall. Kapag mag-isa pa naman ako katulad ng ganito, ang dami-daming emo feels ang na-attract ko.

Naalala nga kita, eh.  Well, oo sige. Naaalala naman kita palagi. At ayun na nga, nung oras na ‘yun nalala kita ng matindi.

Ano kayang ginagawa mo? Kumain ka na ba? Anong kinain mo? Sinong kasama mo? Kumusta araw mo? Tired? Nasaan ka ngayon?

(repeat ng mga 47x until fade)

Napayuko nalang ako habang nagliligalig sa utak ko ang mga tanong na yan. Pero parang may nagbulong sakin, may nagsabing tumunghay ako, may nagtaas ng paningin ko at tumingin daw ako ng derecho sa daraanan ko. Ang mga mata ko… tumagpo sa mga mata mo.

“Nasaan ka ngayon?”
Tanong ng nagde-daydream na si Dawn.

“Ito, malapit sayo!”
Sabi mo. Haha. Hindi mo naman sinabi talaga pero ang lakas ng presensiya mo eh! Parang nagsasalita, sumisigaw!

Nakatingin ka na noong nakita kita. Kinilig ako. Mas kinilig pa kasi ang layo mo palang ang ganda ng ngiti mo. Pero mas maganda yung ngiti ko kasi nakatingin ako sa’yo.

Mala-pelikula kaya yung eksena. Ganun eh! Ang tao lang noong sandaling ‘yun.. ikaw at ako. Yung paligid nagssslow motion. Tapos ako parang umaangat sa lupa. Tumigil ka pa nga ng saglit, dito palapit ako sayo. Pakiramdam ko tuloy nasa altar ka at nag-aantay sakin. Magkatapat na tayo. Nag-lean forward ka. Hindi ko alam anong gagawin ko. You were asking for a beso pala. Nag-beso ako nung nilapat mo na yung pisngi mo saakin. Slightly, niyakap kita. Natawa tayong dalawa.

You: Kumusta?
Me: Saan ka pupunta?

Sabay pa tayong nagsalita. Nakakatawa. Alalang-alala ko pa. Niyaya pa nga kitang kumain akala ko kasi makaka-date na kita. Yung kakain tayo na tayong dalawa lang. Hindi ka naman pwede kasi sabi mo inaantay ka ng officemates mo kasi ibibili ka nila ng TV na regalo nila sayo.

Duon nagpaalam na tayo sa isa’t-isa. Lumakad ka na. Ako din. Dere-derecho ka pero ako lumingon pabalik sayo. Nakangiti parin ako. Kinikilig parin. Kaya naman pala umalis ka sa isip ko kasi tatayo ka pala sa harapan ko. Sana nga lang pwede kang maging realidad sa tuwing iisipin kita. Kung ganun, edi sana araw-araw tayong magkasama.

 

Advertisements

After the Dawn

I always thank God for making me a morning person.
It’s nice to see the morning light shines through my window.

I enjoy sunrise more than sunset.
The feeling of the sun warming my skin brings joy as I wake up
The six to eight o’clock sunlight and morning breeze release the butterflies in my stomach.

I guess I was a sun in my past life.
I want to be your sun…
Your Sunshine.

When I thought it was over

It’s 3AM and I am writing this. Yes, these are my thoughts at 3 in the morning when 70-80% of the city’s population is asleep including the kid and the young lady sharing the bed with me. It’s a silent night. I am in a blank wordpress page trying to put all these feelings into words, new set of earphones fit perfectly, volume’s up,  playing Adele, Sara Bareilles, Regina Spektor songs on repeat, eyes begin to water, strong emotions are welling up.

I am writing down the first things my head tells me. I am posting a blog that I will probably regret. PS, I am not drunk.

Continue reading “When I thought it was over”

Ano’ng gusto mong mangyari bukas pagkagising mo?

Anthony: Kapag may dumaang shooting star, ano’ng iwi-wish mo?
Mace: Na sana…sana hindi ko na siya mahalin.

Mga linya ito sa pelikulang That Thing Called Tadhana. Ang pelikulang bukambibig ngayon ng karamihan, lalo na ang mga broken-hearted, gustong maka-move on, gustong makalimot, mga nagmahal-nasaktan-nagmahal-muli.

Trailer palang hook na hook na ako. Trailer palang sapul na sapul na, damang dama, tagos na tagos. Sino nga ba naman ang hindi nagmahal at nasaktan?

Ang dami kong sinsabi no? Akala mo naman napanood ko na. Hindi naman. HIndi pa. Gustong gusto ko na nga eh. Ewan ko ba. Parang ayaw pa ng pagkakataon. Siguro gusto niyang sagutin ko muna sa sarili ko ang tanong ni Anthony (JM de Guzman) na “Kapag may dumaang shooting star, ano’ng iwi-wish mo?”

Ang hilig ko kasing magtanong sa mga friends kong problematic ng…

Ano’ng gusto mong mangyari bukas pagkagising mo?”

Kapag tinatanong nila ako pabalik, kapareho ng sagot ko ang sagot ni Mace (Angelica Panganiban)…

“Sana hindi ko na siya mahalin.”

Kapag problemado ang friends ko, nakikiproblemado rin ako.

Kanina nagsimba ako. Nagdasal ako ng taimtim. Na sana..sana makalimutan ko na siya, na hindi ko na siya mahalin pero naisip ko baka sabihin ni Lord gaya-gaya ako ng prayers dahil marami na ang nagdadasal ng ganyan. Ngayong lumabas na kasi ang pelikula, trending na ang linyang ‘yan. Sabi ko ayokong ganyan ang magiging sagot ko kapag tinanong ulit ako.

Napaisip ako ng malalim. Bumuntong hininga. May bago na akong sagot sa lumang tanong.

Hindi ko naman siya kailangang makalimutan para makapag move on. Hindi ko kailangang itigil ang pagmamahal ko sakanya para lang makaalis sa sitwasyon kung saan hirap na hirap na ako. Oo kailangan pero sa ibang paraan.

Para sa akin masarap ang magmahal. Masaya akong mahalin siya.

…Ginabi na ako sa daan galing simbahan. Habang pauwi nagintay ako ng shooting star pero wala, so hindi ako nakapag wish. Tutulog na ulit ako at gigising pagkalipas ng ilang oras. Pareho lang naman ang wish ko sa shooting star at ang dasal ko sa Lord.

Sana bukas pagkagising ko, tanggap ko na ang mga bagay na hindi naman talaga pwede.

Sana bukas pagkagising ko, naiintindihan ko na kung bakit hindi pwede.