Sunday’s Best 0001

This will by my Sunday habit, my weekend blog post, and week starter.

I just finished reading Bo Sanchez’s Take Charge Give All which I know I will reread in the near future before I pass on to a friend who needs it.

Sabi dun sa libro, ang typical na Pilipino ay may 66 years o 3,432 Sundays sa buhay niya. So why don’t I make every Sunday count? I have less than Two Thousand Sundays. At bago pa man masayang ang mga iilang Linggo ko nalang, bakit ba hindi ako gumawa ng may katuturan diba? I will blog about the BEST THINGS happen to me every Sunday (at least).

APRIL 15, 2018

  • SARAH G’S CONCERT

I started my Sunday inside Araneta Coliseum because I ended my Saturday watching Sarah G’s This 15 Me concert. Ang tagal ng concert mo te, kasi ang tagal mo nagumpisa eh. 🙂 But it was worth the wait! You just proved that you are you and you have your own identity in the music scene. Sa concert na ito ipinakita mo din na hindi ka pwedeng idikit sa pangalan ni ganito at ni ganyan kasi iba ka. Hindi ka sumunod sa yapak ng mga nauna kasi ikaw ang gumawa ng unang yapak na susundan nila.

I am proud na nakita ko how you bloom (wow. artista din? mentor?) Nasubaybayan ko kasi how you started sa Star For A Night bilang Reginian ako. Watching you perform today (last night) was one of the best things that had happened to me today because I know you do not only gave us total entertainment. It was beyond that, it was pure talent, it was your whole heart, it was your soul, and your love for your craft. I always admire you for being THE ARTIST that GOD wants you to be. You are doing great! Thank you for making me feel that I need to be as well!

And thank you for singing I Dont Wanna Miss A Thing. I am currently in love with that song!

  • EARLY RISE

I always say that I am a morning person. Even if I slept late the night before, I was able to wake up in time for The Feast AM session without setting my alarm clock. 🙂 Ang sarap magising ng Linggo ng umaga! Konti lang kasi yung tao sa labas, sa kalsada, sa MRT, sa LRT, sa kainan. Ang sarap yakapin ng liwanag na dala ng Linggo.

  • MY HOME

I have gone through a lot of tough times with my faith. May mga episode parin ngayon na talagang nagsstruggle ako. I belong to a devout catholic family, nagpapari yung kapatid ko, sobrang prayerful ng lola ko, mother butler yung nanay ko, media ministry members and youth leaders yung mga kapatid kong bunso. I always hear myself asking questions like “Ano na ako?” “How can I serve you, Lord?” “Gusto ko rin makita yung purpose ko.” “Gusto ko rin maging Godly just like them.”

I meant the last question but don’t get me wrong. Hindi naman dahil maganda lang pakinggan yung GODLY eh gusto ko na maging ganun. It radiates, eh! Yung gagawa ka ng maganda kasi yun ang gusto ni Lord. Yung lahat ng gagawin mo eh tama kasi masaya gumawa ng tama kaya you end up being happy.

Gusto kong maging masaya. Gusto kong maging masaya dahil tama yung ginagawa ko.

I have also experienced attending Christian fellowships and services. Enjoy ako sa bible readings and sharings and singing worship songs. Napapagalitan nga lang ako lagi ng kapatid ko kasi baka nga daw mashake yung faith ko kasi may line talaga na naghahati between the Catholic teachings and Christian living. Ang personal problem ko lang sa traditional Holy Mass is I get bored (sorry). Ang problem ko naman with the Christian services is hindi nga siya Catholic. So naghanap ako ng something in between. AND I FOUND HOME IN THE FEAST!

I was really glad my feet brought me to the confession corner first. It was a great start! Then I attended the 10:30 AM Service. It always starts with a Holy Mass. Sarap sa feeling! Brother Audee and Brother Bo talked about PREPAREDNESS. What struck me the most? Sabi ni Brother Bo,”PREPARATION IS EVERYTHING” and “EVERYTHING IS PREPARATION”. May sagot na agad sila sa lahat ng pinagppray ko. Ang galing! Ang bilis! Tama nga, we need to prepare to prosper tapos this is all preparation for a more prosperous life.

I also met my Light Group leader, it just happened na she also handles Awesome Kids Ministry. Sabi ko kasi I want to serve. So next week, I will join the group. Yey! Pero feeling ko may isa pa akong pwedeng salihan na ministry. I want to write. I want to be able to share my talent. Para hindi puro hugot-hugot yung post dito.

Now, I am looking forward to COMING HOME again. I WILL BE HOME SOON!

  • ACCEPTANCE

Yung lagi kong pinagpepray na “Lord, grant me the SERENITY to accept the things I cannot change; COURAGE to change the things I can and WISDOM to know the difference” Alam naman nating isa sa pinakamahirap na stage ng grief is ACCEPTANCE at kung may taong nawala satin, hindi masaya na basta lang natin tanggap na wala na siya, mas healthy kung tanggap natin ng may kapayapaan sa puso natin. Ngayon, nasa point ako ng buhay ko na tanggap ko naman na. Tanggap ko nang buong puso na wala na siya.

Advertisements