Walang katuturan

Try ko kayang magsulat lang ng tuloy-tuloy. Yung hindi maglo log yung utak ko so hindi rin titigil yung pagtytype ko. Eh ano namang sasabihin ko? May katuturan ba to pagtapos?

Sabi ng paborito kong si Ricky Lee, itry daw natin minsan pagkagising natin sa umaga na magsulat lang ng kung anong gustong isulat ng mga kamay natin.

Ito yung ginagawa ko ngayon pero hindi ako galing sa kama at kagigising lang. Mag-aalas onse na nga eh. Biyernes ngayon. Ang dami ko pang energy kahit it’s a working Friday, hindi lang basta working Friday ah kung hindi super busy working Friday.

Bakit nga ba marami pa akong energy? Lahat ata ng enerhiya sa buong mundo eh sumanib na sa akin.

Well, ang point siguro ng blog post na ito eh ipaalam sa inyo na ang bibo ko pa. Pero medyo *yawn* nakakaantok na paljhdoeqdbaksba

Advertisements

Spelling out my name

CARMELA DAWN ABAS’S MOST FAVORITE THINGS!

C – UDDLES
I love hugs more than kisses. I find it more romantic. Parang mas nakikita ko siyang expression of love than kiss. Cuddles give me comfort, security and serenity. I want the comfort of being held closely and holding someone close. And for me, cuddling is not an exclusive romantic activity.

A-URORA
Aurora is the goddess of dawn at nung nalaman ko yun naging favorite ko na ang Aurora as girls’ name. I would probably name my daughters Aurora. 🙂

R-OMANTIC-COMEDY FILMS
My favorite film genre. 50 first Dates, Maid in Manhattan are some of my favorite movies and also all Regine Velasquez movies. Feel-good kasi. Ang lakas makakilig at good vibes. Ang sarap mainlove!

M-ATCHA
Dati ko pa talaga favorite ang Green Tea pero ngayon sobrang obsessed ako. Cookies, frappe, milk tea, candy -Dapat matcha. I also like anything minty.

E-XTRA SENSORY PERCEPTION
My most favorite talent of mine. Haha. Talent ba to? Gift? Ewan ko pero kasi naniniwala akong may ESP ako minsan ko lang lang siya gamitin. Natutuwa kasi ako sakanya. Natutuwa ako kapag napeperceive ko yung mangyayari. I feel so powerful. Nakakatuwa.

L-RAY HOORAY
Favorite Event that I managed. When I was in Post Ad, the bosses gave me a project na si Lray Villafuerte ang client for his and his son’s campaign. Katakot ba? Yes, he was strict and all pero he has a kind heart. Kita ko naman yung sincerity niya sa pagtulong ng nasasakupan niya. It was my most favorite project I handled so far kasi isang bwan mahigit lang naman ako tumira sa Bicol, haha. But honestly, I love this project because I was given a chance to work with these very sincere politicians and was able to visit the province’s remote areas and reach out to Bicolanos.

A-M
Nakailang ulit na ba ako sa pagsasabing morning is my favorite part of day? Ang sarap kasi gumawa ng morning stuff. Bike, swim, blog, cook, masarap din ang sex sa umaga. 🙊

Continue reading “Spelling out my name”

4.30.10

a note ng (nagkukunwaring) writer..

Kaming mga manunulat, sa mundo ng imahinasyon at pangarap kami nakatira.

Isang paraiso kung saan pag-ibig ang nagsisilbing mahika at lapis ang nagsisilbing magic wand.

Ang bumubuhay sa amin?..

ang mga multong hindi nakikita ng mga taong normal.

Nabuhay kami para ilagay namin ang mga multong ito sa harap niyo hindi para kayo ay sindakin kundi para lahat tayo ay mamulat sa katotohanang walang taong bulag yung iba wala lang pakialam!