WHAT DO I WANT IN MY LIFE?

Likas na ata saakin ang pagiging DREAMER at BELIEVER. Kapag may gusto ako talagang dapat eh makukuha ko. 

Ipinanganak ako na maraming pangarap at gusto sa buhay. Naaalala ko nuong bata pa ako, gusto kong maging artista. Hindi ito joke! Ginagaya ko ang ilan sa mga commercial sa tv at pinangarap ko ding makasama ang ilan sa mga favorite ko na celebrities.

Ilang taon pa ang nakalipas, naexpose ako sa totoong mundo at mas nakilala ko ang sarili ko.

Narealize ko na hindi pala basta gusto mo lang eh yun na ang dapat mong ipush. You can fight for your dreams pero dapat hindi lang ikaw ang magiging masaya. Dapat masaya ka at masaya rin sila para sayo. Kung makukuha mo kasi ang isang bagay pero may mga tao ka namang matatapakan, hindi yun maganda. Hindi pag-abot ng pangarap ang tawag duon. Para ka lang sumabak sa labang hindi ka kailan man mananalo.

Marami akong pangarap at marami na rin sa mga pangarap ko ang natupad. Marami rin ang pasasalamat ko!

Sa punto na ito, 25 na ako, marami pa akong gustong maabot. Mahaba pa ang listahan ng mga gusto kong makamit. Maraming panaginip pa ang aking tutuparin.

Nuong isang araw kausap ko si Glaiza Apostol, isa siya sa mga pinakamalapit kong kaibigan. Sabi niya mas effective daw kung naaalala mo araw-araw kung ano ang pangarap mo. Nakikita mo kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo. She inspired me to do a GOAL BOARD / VISION BOARD.

Tinapos ko ito kagabi. Hindi ako natulog hangga’t hindi ako nakakagawa ng magiging inspirasyon ko twing umaga.

Continue reading “WHAT DO I WANT IN MY LIFE?”

Advertisements